^

PSN Showbiz

Maja at Paulo pahinga sa laplapan!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Magkatambal sa pelikulang I’m Drunk, I Love You sina Maja Salvador at Paulo Avelino. Kilala bilang magaling na dramatic actor si Paulo pero hindi naman daw naging problema sa kanya ang paggawa ng nasabing romantic-comedy film. “Siguro that’s one of the things about me and Maja because pareho kami na we don’t want to be branded na serious actor or pang-comedy lang. That’s why we take on movies like this because we want to be as versatile as possible,” nakangiting bungad ni Paulo.

May ilang maiinit eksena raw ang aktor at si Maja sa bagong pelikula.

Matatandaang huling nagkasama ang dalawa sa teleseryeng Bridges of Love at mula noon ay naging malapit na magkaibigan na. Kaya ngayon ay hindi na raw nagkailangan sa bagong pelikula. “Hindi naman necessary na meron pero kasi parang college students kami rito. As a young adult, siyempre nae-experience mo rin ‘yan sa buhay mo. Siyempre gusto naming i-showcase ‘yung buhay ng young adult,” pagbabahagi ng aktor.

Samantala, masayang-masaya naman si Maja dahil ngayon lamang daw siya gaganap bilang isang kolehiyala. “Ito kasing story namin, parang magra-run lang siya within four days. No’ng nabasa ko ‘yung script, hindi ko talaga nabitawan kasi ang ganda ng flow ng story, ng pagkasulat. Nai-imagine ko talaga. Hindi rin kasi ako nakapag-college so excited akong gawin,” nakangiting pahayag ni Maja.

JC na-trauma sa huling GF na actress

Hanggang maaari ay ayaw na raw makipagrelasyon ni JC de Vera sa isang artista. Dahil na rin ito sa naging karanasan ng aktor noon sa pagkakaroon ng mga kasintahang kasamahan sa trabaho. “Nadala na ako. Hindi na ako magbibigay ng pangalan pero the last one, basta ‘yung pinakahuli ko na naging girlfriend parang forced kami to go on separate ways. So para sa akin, malaking bagay ‘yon. Kasi parang sinugal mo ‘yung personal life mo para sa trabaho, marami kang na-sacrifice. So sabi ko that’s the last time na makakaramdam ako ng gano’n,” paliwanag ni JC.

Nasaktan daw nang sobra ang aktor nang puwersahan silang paghiwalayin ng dating kasintahan para sa kanya-kanyang career. “Oo naman. kasi hindi lang naman time ‘yung in-invest mo but you have to move forward, wala kang choice. Hindi ka naman pwedeng hindi mo siya pwedeng dibdibin. At saka nakikita mo naman sa mga ibang artista and para sa akin, hindi ko pipiliing lumiit ‘yung mundo ko, magkakasalubong kayo tapos magkaaway kayo ‘di ba? Ayoko no’n, gusto ko lahat ng makatrabaho ko friends ko, masaya,” makahulugang pahayag ng binata.

Kahit nagkahiwalay na ay naging kaibigan naman daw muli ni JC ang kanyang mga naging kasintahang artista. “Oo, though ‘yung iba, hindi ko na nakikita talaga. Kasi siyempre, may kanya-kanyang buhay na, hindi ko rin nakakausap. As much as I can remember, lahat naman kami ay okay naman,” giit pa niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with