Misis ni Mark Villar papasang talk show host

Diwa Party-list House Representative Emmeline Aglipay-Villar

Incurable pala ang sakit na Lupus at ayon ito kay Diwa Party-list House Representative Emmeline Aglipay-Villar na nag-share kahapon sa entertainment press ng mga karanasan niya.

Si Mama Emmeline ang loving wife ni DPWH Secretary Mark Villar at hindi niya inililihim na Lupus ang kanyang karamdaman.

Nakakabilib si Mama Emmeline dahil very positive ang mga pananaw niya sa buhay kaya walang-wala sa kanyang hitsura na may mga health issue siya.

Ang husay-husay magsalita ni Mama Emmeline kaya naipaliwanag niya nang malinaw ang kanyang advocacy, ang magkaroon ng public awareness tungkol sa Lupus at matulungan ang mga kababayan natin na may ganoong karamdaman.

Papasa na talk show host ang misis ni Papa Mark dahil klarong-klaro ang kanyang pagsasalita at walang dead-air.

Nalaman ni Mama Emmeline na may Lupus siya noong 2007. May sakit na siya nang magkakilala sila ni Papa Mark pero hindi naging sagabal sa kanilang pagmamahalan ang karamdaman niya.

Ang Lupus ay isang autoimmune disease na inaatake ng immune system ang mga healthy cell at tissues ng katawan.

“My personal experience is a testament to how early detection could have been prevented major organ damage of kidneys and blood vessels,” ang sabi ni Mama Emmeline sa lunch date niya kahapon sa entertainment press.

Sakit ni Selena Gomez at FM gustong ipakilala ni Mrs. Villar

Walang kilala si Mama Emmeline na mga artista na may sakit na Lupus dahil kung meron, puwedeng-puwede sila na maging ambassador ng Hope For Lupus, ang foundation na itinatag niya.

Lupus ang sakit ni late President Ferdinand Marcos at may Lupus din ang Hollywood star na si Selena Gomez.

Sinabi ni Mama Emmeline na marami sa mga kababayan natin ang may Lupus pero hindi sila aware dahil ipinagwawalang-bahala nila ang mga nararamdaman at ang mga sintomas.

“The lack of awareness on Lupus has already cost so many lives. With Hope for Lupus, no more lives would be lost due to a lack of information and awareness about the disease,” ang sabi ni Mama Emmeline.

Mga pelikulang hindi raw ‘de kalidad’ sobra-sobra ang pila

Congrats kay Vic Sotto at sa cast ng Enteng Kabisote 10 and The Abangers dahil pinilahan ito sa box office noong Miyerkoles.

All seats taken sa mga sinehan na pinagtatanghalan ng Enteng Kabisote 10 kaya Christmas in November ang naramdaman ng moviegoers na nagtiyagang pumila para panoorin ang pelikula ni Bossing.

Blockbuster din ang The Super Parental Guardians ng Star Cinema at magandang senyales ito dahil tinatangkilik ng manonood ang Pinoy comedy films na hindi quality sa panlasa ng iba.

At dahil pinipilahan sa takilya ang mga pelikula na naitsa-pwera sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2016, tiyak na magkakaroon ng extension ang showing nila sa mga sinehan.

Rhian bagets pa sa kanyang MMFF entry

Kumbinsido ang fans na “ten years in the making” ang Saving Sally, ang pelikula na pinagbibidahan ni Rhian Ramos at official entry sa Metro Manila Film Festival.

Napapanood na ang official trailer ng Saving Sally kaya talagang mapapansin na bagets pa ang hitsura ni Rhian sa pelikula. Kung sampung taon na ginawa ang Saving Sally, boyfriend pa ni Rhian si Mo Twister nang umpisahan ang shooting ng kanyang pelikula na pambata dahil live-action animated film ito.

Show comments