Pelikula nina Vic at Vice maagang pinilahan! ER Ejercito agaw eksena sa Mendiola

SEEN: Nag-blend si Rich Asuncion sa red carpet ng GMA-7 dahil kakulay ito ng damit na isinuot niya sa presscon ng Ika-6 Na Utos noong Martes.

SCENE: Seksing-seksi at may karakter na si Ryza Cenon sa presscon ng Ika-6 Na Utos. Challenging ang role ni Ryza sa afternoon soap ng GMA-7 at makatulong sana ito para mabura na ang “starlet” image niya.

SEEN: Nakaw-eksena si former Laguna Governor ER Ejercito sa pro-Duterte rally kahapon sa Mendiola dahil umakyat siya sa stage at nagsalita tungkol sa pagpabor niya sa federalism. #MissingPolitics.

SCENE: Makikita sa mga lansangan ang mga green bus na may nakasulat na Pasabay Sa Pasko 2016, ang libreng sakay project ng GMA-7 para sa publiko.

SCENE: Ang pangako ni Liza Diño na may aksyon siya na gagawin para matapos na ang mga kalokohan ni Baron Geisler. Si Liza ang chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at kilala ni Baron sa pangalan na Liza Danyo.

SEEN: Ang maling akala at report ni Alvin Elchico sa programa niya sa dzMM noong Martes na naka-confine sa ospital ang nanay ni Ping Medina. Ang ina ni Baron Geisler ang may sakit, hindi ang nanay ni Ping. Madalas na sumasablay ang mga impormasyon ni Alvin kapag tungkol sa showbiz ang ibinabalita niya.

SCENE: Libre ang entrance pero may tickets na ipamimigay ang ABS-CBN para sa taping ng kanilang Christmas Special sa Smart Araneta Coliseum sa December 13, 2016.

SEEN: Maagang pinilahan kahapon ng moviegoers ang mga pelikula na sabay-sabay na nagbukas sa mga sinehan, ang Enteng Kabisote 10 and The Abangers, The Super Parental Guardians, at ang Disney movie na Moana.

Show comments