Natasha Villaroman at Paulo Avelino
Sanya nagmukhang matanda; GF ni Paulo controversial!
(Pilipino Star Ngayon) - November 8, 2016 - 12:00am

SCENE: Ang magkasabay na airing kagabi ng Christmas Station ID ng ABS CBN at GMA 7 na ipinalabas, pagkatapos ng TV Patrol at 24 Oras.

SEEN: Parang magkaedad lamang sina Sanya Lopez at Diana Zubiri sa litrato nila na kuha kahapon sa taping ng Encantadia. Si Diana ang original Danaya ng telefantasya ng GMA 7.

SCENE: Ang pagbabasa ng Bibliya ang pinagkaabalahan ni Senator Manny Pacquiao, isang araw matapos ang laban nila ni Jessie Vargas sa Las Vegas, Nevada.

SEEN: Pamangkin ng leader ng Philippine Benevolent Missio­nary Association na si Ruben Ecleo, Jr. si Natasha Villaroman, ang girlfriend ni Paulo Avelino. Pinaghahanap din si Ecleo dahil guilty siya sa graft and corruption case at nahatulan siya ng life imprisonment dahil sa pagpatay sa misis na si Alona noong 2002.

SCENE: Bashing victim si Natasha Villaroman dahil sa kaugnayan nito kay Paulo Avelino at nadagdagan ang haters niya dahil sa pagtatanggol sa kanya ng nanay niya, ang part time singer/actress na si Jade Ecleo Villaroman na naglingkod noon bilang gobernador ng Dinagat Islands. Kapatid ni Ruben Ecleo, Jr. si Jade.

SEEN: Naging maingay ang pangalan ni Ruben Ecleo, Jr. noong 2007 dahil sa bintang na minaltrato niya si Jean Garcia na bisita sa birthday celebration ni ex-Governor Jade Villaroman. Pinabulaanan ng mga opisyal ng Dinagat ang isyu na biktima ng harassment si Jean.

SCENE: Sariling gastos ni former Senator Bong Revilla, Jr. ang confinement niya sa ospital na binabantayan na mabuti ng mga tauhan ng Philippine National Police. Apat na araw nang namamalagi sa ospital si Revilla dahil sumasailalim siya sa physical check up.

PAULO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with