Sa sobrang mahal ng tickets poging young actor nilalangaw ang concert
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - November 6, 2016 - 12:00am

Kilalang-kilala pa rin ang isang young singer-actor. Sikat pa rin ang tambalan nila ng isang young actress. Hindi na puwedeng itago sa kahon ang itsura ng heartthrob dahil dulo pa lang ng kanyang buhok ang nakikita ng mga kabataan ay kinikilig na ang mga ito.

Pero bumaba ang kanyang popularidad sa concert scene. Maraming shows niya sa mga probinsiya ang hindi na gaanong tinatao. Palaging lugi ang mga prodyuser ng kanyang concert.

May dahilan ‘yun ayon sa aming mga impormante. Napakataas sumingil ng mga nag-aalaga sa career ng guwapong young actor. Napakalayo ng sinisingil na talent fee ng mga ito sa dapat ay puhunan lang ng mga prodyuser.

Kuwento ng isang source, “Sobrang laki ng talent fee niya, du’n pa lang, talagang mahihirapan nang makabawi ang mga mamumuhunan sa show niya.

“Kailangang ibenta ang tickets sa mataas na presyo para makabawi, kaso, karamihan naman ng fans niya, e, mga estudyanteng hindi pa kumikita. Kaya ang nangyayari, mahina ang ticket sales, apektado ang show niya, dahil konti lang ang nakakapanood,” patunay ng aming impormante.

Tatlong prodyuser na ang hindi tumuloy sa pakikipag-usap sa mga namamahala sa career ng heartthrob, hindi nila kayang sugalan ang taas ng TF ng young actor-singer, hindi nga naman sila nagtatrabaho para magpakalugi lang.

Sana raw naman ay magbaba ng presyo ang mga namamahala sa career ng bagets, maintindihan daw sana nila na ang tagumpay ng isang palabas ay depende rin sa ipampupuhunan ng mga prodyuser, kung sobrang laki ang TF ng artista ay pursigido rin silang itaas ang presyo ng tickets.

Pagtatapos ng aming source, “Sayang, siya pa naman ang hinihingi ng mga concertgoers. Alam n’yo naman dito sa atin, kahit hindi masyadong magaling ang performer, basta sikat, ‘yun ang panalo!”

Ubos!

Bashers ng babaeng nagpapaligaya kay Paulo naduwag!

Medyo umurong ang dila ng mga dating grabe kung makapang-bash kay Natasha Villaroman, ang magandang dalagang ikinakambal ang pangalan ngayon kay Paulo Avelino, biglang na-afraid ang mga ito.

Nalaman kasi ng mga ito na ang babae palang nilalait-lait nila ay mula sa pamilya Ecleo ng Dinagat Island. Anak pala siya ni Jade, ang singer-politician na mula sa angkan ng makapangyarihan at kilalang-kilalang pamilya Ecleo, medyo napaisip siguro ang mga mapanghusga nang matunton nila ang lahing pinagmulan ni Natasha.

May ibang gusto ang mga tagahanga ni Paulo para sa kanya, ayaw nila kay Natasha, pinipintas-pintasan nila ang babaeng nakasama sa Amanpulo ng aktor nitong nakaraang bakasyon.

Maganda si Natasha, tisay ang dalaga, sa mga pictures niyang nakita namin ay lutang na lutang ang kanyang ganda at kaseksihan kahit walang make-up. Hindi ‘yun nakapagtataka dahil maganda rin ang kanyang inang si Jade, may pinagmanahan ang babaeng binabakuran ngayon ni Paulo Avelino, pang-artista rin ang kartada ni Natasha.

Pero kumportable kaya si Paulo kapag magkasama sila ni Natasha? De-bodyguard kasi ang dalaga, hindi siya pinapayagang lumabas ng kanyang mga magulang na walang guwardiya, kahit nu’ng nasa Amanpulo sina Paulo at Natasha ay palaging may nakabuntot na bodyguards sa kanila.

Kuwento ng isang source na napagtanungan namin tungkol kay Natasha, “Mabait siya, mismong mga kaklase niya sa La Salle ang nagagalit sa mga namba-bash sa kanya! Kilalanin daw naman muna sana nila ‘yung tao bago nila sira-siraan.

“Kahit galing si Natasha sa isang prominent family, e, humble ang bata, level-headed, ganu’n siya pinalaki ng mga magulang niya.

“Magkaibigan pa lang naman sila ni Paulo, marespeto naman ‘yung tao, kaya welcome siya sa pamilya ni Natasha,” paglilinaw ng aming source.

Pak! Gay-on!

PAULO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with