^

PSN Showbiz

Bimby ipinipilit na kamukha niya ang kapatid kay James

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Bimby ipinipilit na kamukha niya ang kapatid kay James
Bimby at Baby MJ

Kahit maputi at tisoy si Baby MJ (Michael James) na nakuha sa Italian mother nitong si Michela Cazzola, panay umano ang sambit ni Bimby na kamukha niya ang kapatid kaya natawa na lamang ang estranged couple na sina James Yap at Kris Aquino maging si Michela.

Ngayong okey na muli ang dating mag-asawa at kaibigan na rin ang turing ni Kris kay Michela, tiyak na magiging madalas na ang pagkikita ng mag-amang James at Bimby ganundin si Bimby sa baby brother nitong si Baby MJ.

Jake matagal nang may lukso ng dugo kay Ellie

Marami ang naniniwala (including this wri­t­er) na papasukin din eventua­l­ly ni Jake Ejercito ang showbiz kapag natapos nito ang kanyang pag-aaral sa Singapore kung saan siya lumipat from London.

During school breaks ay nakakapag-guest siya sa Kalyeserye ng Eat Bulaga at maging sa Lenten offering ng noontime show, ang God Save Me You with Alden Richards at Maine Mendoza na si­yang nagpapanalo sa kanya ng Best New Male Artist sa recent Music-TV Awards ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Samantala, dedicated ni Jake ang kanyang nakuhang award sa PMPC sa kanyang new inspiration at princess na si Ellie na anak niya sa aktres na si Andi Eigenmann.            

Sa isang panayam, inamin ni Jake na kahit hindi pa niya alam noon na siya ang ama ng bata ay sobra raw malapit ang kanyang loob sa baby at naroon ang “lukso ng dugo” na kanyang naram­daman. Lalo raw siyang napalapit sa bata nang ma-confirm na siya ang biological father nito.

Hindi man in good terms ngayon ang dating magkasintahang Andi at Jake, umaasa ang marami na sana’y ma­ging magkaibigan man lamang sila alang-alang kay Ellie na siyang forever na magba-bond sa kanila.

vuukle comment

MICHAEL JAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with