Iñigo maligaya sa piling ni Kelley

Kelley Day

Sa Sabado na gaganapin ang ika-sampung taon ng Star Magic Ball. Ngayon pa lamang ay excited nang dumalo sa nasabing pagtitipon ang anak ni Piolo Pascual na si Iñigo. “Iyon ‘yung time na lahat kami ay magkikita kaya sobrang nakaka-excite. Kasi that’s something very rare, and something we only get to do once or twice a year. It’s something we all look forward to every year. I’m just excited to hang and party with everyone again,” bungad ni Iñigo.

Sino kaya ang magiging ka-date ng binata sa ball? “Makikita n’yo na lang po sa ball,” pabirong sagot ni Iñigo.

Ang Filipino-British na miyembro ng grupong Girltrends na si Kelley Day ang sinasabing kasintahan daw ni Iñigo ngayon. Nagkakilala ang dalawa sa isang workshop anim na buwan na ang nakalilipas at mula noon ay palagi nang lumalabas sina Inigo at Kelley. “I consider her to be one of my most trusted friends. I find her to be really beautiful and really char­ming. So we’ll see where this goes. I’m happy with what we have right now,” pagbabahagi ni Inigo.

Marion naglilibot sa mga bar para makilala

Tatlong taon na sa recording industry si Marion Auno r. Ayon sa singer ay dumating na rin sa punto na gusto na niyang sumuko at iwanan na ang pagkanta. “Hindi natin alam kung ano ba ‘yung number of years na malalaman mo kung stop ka na ba o itutuloy mo pa. Mahirap din talaga eh. Kaya nga dumating din kami sa point na magku-quit na ba kami o tutuloy lang,” pagtatapat ni Marion.

“Minsan ‘yung frustration lang sa music, na ‘yung iba, masyadong natataasan sa kind of music na sinusulat ko. So iniisip ko kung may future ba dito sa Philippines ‘yung ganitong thing. Kasi siyempre, ‘yung mga influences ko nga international, so gano’n din ‘yung lumalabas na music sa akin. Siyempre ang hinahanap po nila ‘yung medyo birit, ‘yung usual na OPM sound. So medyo mahirap mag-penetrate,” dagdag pa ng singer.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng Star Music si Marion at masayang-masaya naman daw ang dalaga sa kanyang career. “Nakukuha naman po nila ‘yung gusto kong packaging as an artist. Pinu-push din nila ako do’n sa nakikita nilang tamang market. Sila nga po ‘yung nag-suggest na mag-bar tour ako instead of mall shows, dahil ‘yung music ko daw baka mas ma-appreciate sa bar tours,” nakangiting kwento ni Marion.

Show comments