^

PSN Showbiz

Sofia hindi iniisip ang akting, tutok sa musika

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Tuwang-tuwa ang 17-year-old na si Sofia Gon­zales, panganay na anak ng mag-asawang Alfred at Kring-Kring Romualdez dahil nakatakda niyang i-record ang sariling composition na Love Hurts together with another original composition ng isa ring young composer na si Nica del Rosario, ang Pikit-Mata under Viva Records.

Nang marinig ng Viva big boss na si Boss Vic del Rosario ang dalawang awitin, agad niya itong in-aprubahan for recording. Six other original compositions ng iba’t ibang composers were presented pero ang Pikit-Mata ang choice ng mga taga-music department ng Viva at maging nina Sofia and Boss Vic.

Sofia took the first flight out of Tac­loban last Tuesday morning para sa kanyang meeting sa Viva kaya ka­hit inaantok siya ay ‘di nito napigilan ang kanyang excitement that she will finally record her own composition.

Bukod sa recording, si Sofia ay may exclusive management contract with Viva Artists Agency.

Athough music ang focus ni Sofia, hindi rin kami magtataka kung papasukin nito ang pag-aartista just like her maternal grandpa na si Jose Mari Gonzalez at ina. “I don’t know. But for now, I wanna focus on my music,” diin ni Sofia.

Kilalang aktres na nasa Amerika at prominenteng pulitiko may nakaraan

Naging kasintahan pala ng isang prominent at mayamang politician ang isang kilalang aktres na nasa Amerika na ngayon kasama ang kanyang sariling pamilya.

Ang prominent at rich politician is now married sa isa ring prominenteng female personality na na-link din noon sa iba’t ibang mga kilalang male personalities sa lipunan.

Ang prominent at rich politician ay may isang anak nung siya’y binata pa sa isa ring kilalang female perso­nality.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with