Pinaalalahanang ‘wag paalipin sa negang GF, male personality tinalakan ng mga kaibigan

Totoo kaya ang kuwentong umiikot ngayon na kinausap ng kanyang mga katropa ang isang kontrobersiyal na male personality na maghinay-hinay sa kanyang pakikipagrelasyon ngayon sa isang babaeng personalidad?

Nararamdaman daw kasi ng mga nagmamalasakit na kaibigan ng aktor na hindi kagandahan ang kanyang imahe ngayon dahil sa kanyang karelasyong aktres. Negang-nega na ang dating ngayon ng matalino pa namang male personality.

Matagal na pala siyang gustong kausapin ng kanyang mga kaibigan, pero humahanap pa ng tiyempo ang grupo, nakasingit ang pagkakataon nang minsan silang magsama-sama sa isang maliit lang namang okasyon.

Kuwento ng aming source, “Kaswalan lang ang mga kuwentuhan nila, hanggang sa mauwi na ang usapan nila sa kanilang mga lovelife. Du’n na nakasilip ng pagkakataon ang mga katropa ng male personality.

“May nagsabi sa kanya na medyo cool lang siya, huwag siyang nagpapadala sa mga sulsol, lalo na sa babaeng karelasyon niya ngayon na sobrang nega ang dating.

“Sinegundahan naman ‘yun ng isang friend niya na nagsabing huwag siyang nagpapagamit, huwag siyang magpaka-robot sa girl, dahil hindi naman siya sigurado kung sila na talaga ang magkakatuluyan.

“Pinupog siya ng payo ng mga friends niya, talagang ginawa ‘yun ng tropa dahil ramdam na ramdam na nilang sobrang nagiging nega na ang dating ng male personality na mahal nila,” kuwento ng aming impormante.

Wala pang nakikitang resulta ngayon ang mga kaibigan ng male personality kung susundin nga sila ng kanilang kaibigan pero umaasa ang tropa na maagang magigising sa katotohanan ang male personality.

“Magpakaalipin ba sa babaeng ‘yun na ipinaglihi sa hinog na mangga (read: manggagamit)? Ilagay ba ang sarili niya sa alanganin para gawing pambala sa kanyon ng babaeng ‘yun na reyna ng kanegahan?” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Andi hinahamong magpaliwanag sa ginawa kay Albie

Hindi lang pinakakain nang napakapaklang apdo ngayon sa social media si Andi Eigenmann, iniihaw pa siya nang sunog na sunog, maraming naghahamon ngayon sa kanya para magsalita at idepensa ang kanyang sarili.

Ngayon daw kailangang magpabula ng bibig ang madaldal na aktres para linawin ang mga bagay-bagay tungkol sa paglantad ng katotohanan na hindi si Albie Casiño ang ama ng kanyang anak kundi si Jake Ejercito.

Hindi kasi madaling makalimot ang mga kababayan natin sa mga negatibong salita na ipinautang ng personalidad sa kanyang kapwa. Tulad ng ginawang pangwawasak nu’n ni Andi Eigenmann sa pagkatao ni Albie.

Paangat na kasi ang career ni Albie nang magtungayaw si Andi. Tinawag niyang sinungaling, iresponsable at walang balls ang aktor.

Sabi ng isang netizen, “Di ba, tanging ang nanay lang ng sanggol ang nakakaalam kung sino ang tatay ng anak niya? Alam niya na si Jake ang tatay, pero bakit si Albie ang inupakan niya at pilit na pinananagot sa anak niya?

“Alam niya namang si Jake ang dapat managot dahil siya ang ama ng anak niya, pero bakit sinira pa niya ang image ni Albie? Ano siya ngayon, nganga!” kumakagat na komento ng isang netizen na galit kay Andi.

Totoo. Nganga nga ngayon si Andi Eigenmann. Ngangang-nganga. Sobrang nganga.

Paano niya ngayon ibabangon ang kanyang sarili sa matinding kahihiyang ito? Si Pedro ang tunay na ama ng kanyang anak pero ang pilit niyang pinananagot ay si Juan?

Kaya pala panay-panay ang pangdededma niya nu’n sa sigaw ng partido ni Albie Casiño para sa isang DNA test. Takot na takot pala si Andi Eigenmann sa multong siya mismo ang gumawa.

Show comments