Pictorial sa Greece ng Jadine pinagpipiyestahan

James Reid at Nadine Lustre

Series ni Dingdong na kopya raw, huhusgahan na!

SEEN: Ang statement ng direktor na si Olivia Lamasan na si Daniel Padilla ang bagong Aga Muhlach. Hindi dapat pinagkukumpara ang mga artista dahil nag-iisa lamang si Aga Muhlach at ganoon din si Daniel.

SCENE: Walang katiyakan na masasamahan ni Robin Padilla si Mariel Rodriguez sa pagsisilang nito ng kanilang anak sa Amerika. Denied pa rin ang visa applications ni Robin sa US Embassy dahil sa pagkakakulong niya noon sa New Bilibid Prisons, Muntinlupa City.

SEEN: Walang tampo si Yen Santos sa Star Cinema dahil ang Regal Entertainment, Inc. ang nagpapirma sa kanya ng movie contract. Co-production venture ng Regal Entertainment, Inc. at ng Star Cinema ang Once In A Lifetime, ang launching movie ni Yen.

SCENE: Ang story conference kahapon ng Pwera Usog, ang horror movie ng Regal Entertainment, Inc. Mga bida sa Pwera Usog sina Devon Seron, Sofia Andres, Joseph Marco at Albie Casiño.

SEEN: Sa September 19 ang airing ng Alyas Robin Hood, ang controversial primetime series ni Dingdong Dantes na ipapalit sa Descendants of the Sun.

SCENE: Ang Oh My Mama! ang mapapanood sa timeslot na mababakante ng Magkaibang Mundo sa September 16. Lead star ng Oh My Mama! si Inah de Belen at leading men niya sina Jake Vargas at Jeric Gonzales.

SEEN: Sina James Reid at Nadine Lustre ang mga celebrity cover ng September issue ng Mega Magazine. Isiningit sa taping ng Till I Met You sa Greece ang pictorial nina James at Nadine sa Santorini.

SCENE: Magsisimula sa September 19 ang Magpahanggang Wakas, ang primetime teleserye nina Jericho Rosales at Arci Muñoz na kapalit ng Born For You na magpapaalam sa ere sa September 16.

Show comments