Bear Brand namigay ng magandang kinabukasan sa mga kabataan

MANILA, Philippines - Inanunsyo ng mga kinatawan ng Nestle Philippines na sina (mula kaliwa papuntang kanan) Justin Mendoza, Consumer Marketing Activations executive; Reynaldo Gabunada, Consumer Marketing Manager; Hazel Seludo, Cate­gory Development Manager; Angela Borbo, Consumer Marketing Activations Lead; Wilfrido De Ocampo, Consumer Marketing Lead; and George Badaro, Business Executive Manager kamakailan ang mga maswerteng nanalo ng educational funds at cash prizes kaugnay sa isinagawang raffle draw ng Milyun-Milyon Para sa Ambisyon Raffle Promo sa Star City Elizalde Hall, Pasay City. Tinatayang 40 ang mga nanalo— walo mula sa National Capital Region (NCR), at ang natitirang labing- anim naman ay mula sa Southern at Northern Min­danao, Western at Eastern Visayas, South Luzon 1 and 2, and Central and Northern Luzon— kung saan ang mga naghulog ng maliliit na empty packs ng Bear Brand Powdered Milk Drink (PMD) o Bear Brand Choco Milk Drink ay makatatanggap ng P200,000 na halaga ng educational funds at P200,000 cash prize. Samantala, P200,000 na halaga ng educational funds at P300,000 cash prize naman ang ibibigay sa mga naghulog ng malalaking packs ng mga produkto. Ang mga empty packs na isinumite ng mga sumali ay gagamitin upang makagawa ng Tibay Chairs na siyang ipamimigay sa 50 na napiling public schools sa bansa.

Show comments