Pampabata ibibida ni Ricky Reyes

MANILA, Philippines – Kayo ba ay feeling bagets pero hindi naman angkop sa edad dahil sa lumawlaw na ang balat sa mukha? Huwag ma g-alala dahil may nadiskubreng treatment ang

Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) na muling magpapabalik sa inyong batang hitsura.

Ang Power Cell Lift ay isang proseso kung saan maglalagay ng multiple threads sa mukha para mabanat ang balat. Lahat ng gamit para sa proseso na ito ay matibay at safe, wala pong mararamdamang sakit at ‘minimal invasive’ lamang ang klasipikasyon ng proseso.

Sa mga matagal nang may problema sa pimples o acne, may kasagutan ang beauty expert at host na si Ricky Reyes. Tungha­yan kung paano malulunasan ng Magnesium ang problemang ito sa pamamagitan ng kanyang ‘healing facial treatment’ na maaari lamang makuha sa lahat ng sangay ng Gandang Ricky Reyes Salon.

At ang mga reyna ng Ms. Philippines Earth 2016 ay magbabahagi ng kanilang mga beauty secrets and regimens kung bakit sila sexy at beauty sa loob at panlabas na anyo.

Lahat ng ito ay mapapanood ngayong Sabado (July 30) 9-10 a.m. sa Gandang Ricky Reyes Todo na Toh (GRR TNT) sa GMA NewsTV.

Show comments