^

PSN Showbiz

Physical appearance ng boyfriend ni KC dinadaot ng bashers!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Tulad nina Luis Manzano at Jessy Mendiola, may bashers din ang new couple na sina Aly Borromeo at KC Concepcion. Ang kaibahan lang ng two couples, dedma sina KC at Aly sa mga hindi pabor sa kanilang relasyon. Si Luis nga naman, pumapatol sa bashers na kontra sa relasyon nila ni Jessy, kaya dumarami sila.

Ang daming bitter sa fans ni KC na ibang aktor ang gusto sa kanya at ipinipilit pa rin sina Pio­lo Pascual at Paulo Avelino. Uma­bot pa sa puntong pati physical ap­pearance ni Aly ay ginagawang isyu ng fans.

Kaya hindi nakatiis ang friends ni KC at ipinagtanggol si Aly sa mga basher na ang lakas ng loob na i-bash ang dyowa ng panganay ni Sharon Cuneta. Sa pagtatanggol kay Aly, nabanggit tuloy ang educational attainment nito at financial standing. Mayaman pala ang BF ni KC.

Tama ang defenders nina KC at Aly, ang importante sa kanila, masaya ang dalawa at wala silang inaapakang tao sa kanilang relas­yon, Sana nga, sa kasalan na mauwi ang love story ng dalawa.

Lovi ?patatali uli sa GMA

May blind item si Lovi Poe sa social media na “new adventure” raw niya na ia-announce bukas. Ang BI naman ng GMA Network ay patungkol kay Lovi na “The premiere actress will reveal something exciting.”

Kanya-kanyang hula ang mga nakabasa sa BI ni Lovi at may humulang baka magre-renew siya ng kontrata sa network. May humula namang baka tungkol ito sa bagong primetime tele­serye nila nina Tom Rodriguez at Max Collins na Someone To Watch Over Me na idinidirehe ni Maryo J. Delos Reyes.

Dahil tinag ni Lovi ang GMA Network, may kinalaman ang home network niya at hindi patungkol sa Regal Films movie nila nina Derek Ramsay at Christopher de Leon na The Escort.

Ang nakarating sa amin, magre-renew ng kontrata sa GMA-7 si Lovi at three years uli ang pipirmahan niyang kontrata. Ang una sa shows na gagawin ni Lovi sa bago niyang kontrata ay ang Someone To Watch Over Me na papalit sa Juan Happy Love Story at August na raw ang airing.

?Bawat kilos ni Alden may katapat na intriga

Matutuloy na bukas ang Thanksgiving get-toge­ther ni Alden Richards with the press na matagal nang naplano. Tamang-tama ito dahil ang daming issues na ibinabato sa aktor at mas maganda kung siya mismo ang sasagot. Parang araw-araw ay may bagong isyu kay Alden.

Bawat kilos at sabihin ni Alden ay minamasama ng bashers at pati nga pagbati nito ng happy birthday kay Cristy Fermin ay minasama! Inilaglag daw nito ang ka-love team niyang si Maine Mendoza dahil tini­tira ito ni Cristy. Hindi ba puwedeng gusto lang batiin ni Alden si Cristy sa kaarawan nito?

Malalaman din natin kay Alden kung tuloy ang 2017 Valentine movie nila ni Maine na follow-up sa Ima­gine You & Me. At kung siya pa rin ang gaganap na Matteo Do sa Pinoy adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun. Kung siya pa rin, ready na ba siyang mabugbog ng negative comments at walang ka­ta­pusang bashing ng fans na ayaw muna siyang itambal sa iba kahit kay Jennylyn Mercado pa.

Aalamin din natin kay Alden kung totoong two cars plus talent fee ang ibinayad sa kanya sa pag-i-endorse ng isang brand ng car? Saka, pang-ilang endorsement na niya ang Yale (‘yung padlock) na bago niyang endorsement.

Samantala, out na ang libro ni Alden na Alden Richards In My Own Words na partnership ng Summit Media at GMA Network. May sariling chapter si Maine sa nasabing libro na ikinatuwa ng AlDub Nation fans nila.

Christian masaya sa Kapuso

Hindi na kami nagulat nang mag-renew ng kontrata sa GMA Network si Christian Bautista dahil noong mag-alisan sa network sina Jay-R, Kris Lawrence at iba pang singers na talent ng istasyon, may nakausap ito at biniro siyang sana ay hindi siya umalis sa GMA-7.

Ang sagot daw ni Christian ay mananatili siya sa Kapuso Network dahil masaya siya rito, ito’y kahit inalis ang Sunday musical show na regular niyang nilalabasan. Kaya nang mag-renew si Christian ng kontrata, pinangatawanan niya ang sinabi.

Sinuklian ng network ang pagiging loyal ni Christian dahil nasa Encantadia siya sa role ni Apitong na nag-adopt kay Ybarro (Ruru Madrid). Happy siya sa role dahil may drama at fight scene at hindi siya hirap sa costume at hindi mabigat ang gamit na sandata. Higit sa lahat, napasama siya sa fantaserye na pinanood niya nang unang umere noong 2005.

May isa pang show si Christian na gagawin at nagbigay na nga ito ng clue kung sino ang kanyang makakasama na dream niyang makatrabaho sa Kapuso Network.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with