Miles VJ ngayong June!
(Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines - Ang maganda at talented na si Miles Ocampo ang MYX Celebrity VJ ngayong buwan ng Hunyo!

Isang mahusay na Star Magic actress, commercial model at  singer si Miles.

Madadagdagan pa ang role si Miles at iyon nga ang pagiging isang MYX Celebrity VJ sa nangungunang music channel sa bansa.

Napanood siya sa Pop MYX mula June 5-11, Mellow MYX simula June 12 hanggang 18, Pinoy MYX mula June 19-25, at My MYX sa June 26 hanggang 30.

Kaabang-abang din ang kulitan moments nila ng kaniyang bestfriend na si MYX VJ Sharlene San Pedro sa kanilang Beshie challenge. Matatandaan na ang dalawa ay nagsama sa mga Kapamilya shows na Goin’ Bulilit at Mga Anghel Na Walang Langit noong sila ay mga bata pa sila.

Abangan din ang mga naglalakihang music events, documentaries, concerts, at specials sa MYX Presents! Ang Twenty One Pilots Live from the LC ay ipapalabas sa June 2, kiligin sa love story nila Toni at Direk Paul Soriano sa Toni Gonzaga-Soriano MY Love Story sa June 9, balikan ang mga moments sa Mayonnaise: For The Rest Of My Life sa June 16, panoorin ang galing ng The Company sa The Company: Nostalgia- Live at the Music Museum sa June 23, at ma-starstruck sa Pitch Perfect actress-singer na si Hailee Steinfield sa June 30. 

Huwag palampasin ang pagho-host ni Miles sa numero unong music channel na mapapanood sa Skycable Channel 23.

ILLEGAL GAMBLING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with