Kasal ni Rufa Mae press release lang?!
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - June 2, 2016 - 12:00am

Hindi na pala matutuloy ang long-planned wedding sa taong ito ng engaged couple na sina De­nise Laurel at ang fiancé nitong cager na si Sol Mercado.  Ang dalawa ay noong taong 2013 pa engaged at plinano nilang magpakasal sa taong ito na hindi naman matutuloy dahil sa kanilang respective

Ang isa pang wedding na ina­abangan ngayon ay ang kasal ng sexy star na si Rufa Mae Quinto sa kanyang Filipino-American fiancé na si Trevor Magallanes. Ang dalawa got engaged last February sa San Franciso, California, USA kung saan naka-base ang pamilya ni Trevor.

Isang beach wedding ang magaganap at si Rufa Mae mismo ang aligaga sa preparasyon ng kanyang kasal bagama’t may ilan pa ring duda kung matutuloy ito.

Si Camille Prats naman ay muling ikakasal sa kanyang bagong fiancé na si VJ Yambao at nakatakda ito sa January 2017.

Julie Anne nanawagan huwag pabayaan ang pag-aaral

Hindi ikinakaila ng Kapuso singer-actress na si Julie Anne San Jose na hindi naging madali ang pagsabayin ang showbiz career at pag-aaral pero naitawid niya ito nang siya’y magtapos last May 31 ng Communication Arts sa Angelicum College in Quezon City.

Ini-encourage ni Julie ang mga kabataan sa showbiz  na huwag pabayaan ang kanilang pag-aaral gaano man sila ka-busy sa kanilang showbiz career.

Baguhang producer-actress tuloy ang demanda sa kanyang direktor

Palabas na ngayon sa mga sinehan ang pelikulang  Teniente Gimo na pinagbibidahan ni John Regala (playing the title role) kasama sina Julio Diaz, Mon Confiado, Suzette Ranillo, Eliza Pineda, Joshua Dionisio at ang producer-actress na si Kate Brios.  Ito’y mula sa direksiyon ni Roland M. Sanchez under the joint production ng KIB Production at RMS productions and distributed by Viva Films.

Walang gaanong ingay ang pelikula dahil last minute ay kinansela ng actress-producer na si Kate ang presscon ng pelikula.

Natakot kaya si Kate na masentro ang presscon sa alitan nila ng actor-director na si Roi Vinzon?

Si Roi ang nagdirek ng debut movie ni Kate bilang actresss-producer, ang Maria Labo na ipinalabas noong isang taon na released din ng Viva Films.

BRP TARLAC NAVY CHIEF VICE ADMIRAL CAESAR TACCAD PRESIDENT BENIGNO AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with