Julia Montes nagiging kamukha na ni Alma Concepcion
(Pilipino Star Ngayon) - June 2, 2016 - 12:00am

SEEN: Ang over reaction ni Robin Padilla sa pagkakabanggit ng kanyang pangalan bilang may-ari ng bahay sa Pampanga na ginawang laboratoryo ng shabu. Hindi masisisi si Robin dahil iniingatan lamang niya ang pangalan na takaw-eskandalo.

SCENE: Sina Paul Jake Castillo at Kaye Abad sa isang supermarket sa Quezon City noong Martes. Dedma ang engaged couple sa mga tao na nag-uusyoso sa kanila.

SEEN: Ang GMA 7 news reporter na si Mariz Umali ang tinutukoy ni ABS-CBN reporter Ces Drilon sa tweet nito na “Duterte whistles at a woman reporter pressing him to answer a question” sa presscon ni incoming President Rodrigo Duterte noong Martes.

Maaaring hindi kilala ni Ces si Mariz o sinadya niya na huwag pangalanan ang reporter ng rival network ng ABS-CBN.

SCENE: Wala sa posisyon si Bayani Agbayani para magsalita na palalayain ni President Rodrigo Duterte si Senator Jinggoy Estrada. Dapat maging maingat si Bayani sa pagbibitaw ng salita dahil maselan ang isyu.

SCENE: Young Alma Concepcion ang ka-look alike ni Julia Montes nang mamataan ito na kumakain sa isang Japanese restaurant sa Tomas Morato Avenue noong Martes.

SEEN: Ang blessing kahapon ng EC Dance Studio sa 61 Kamuning Road, Quezon City. Si Ella Cruz ang may-ari ng EC Dance Studio at ito ang kanyang bagong pinagkakaabalahan.

PENSION RODRIGO DUTERTE SOCIAL SECURITY SYSTEM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with