^

Ininggit pa ang mga naglalaway sa incoming presidential son, Ellen Adarna at Baste Duterte todo bonding sa Siargao!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - May 29, 2016 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nakakalokah ang ‘pictorial’ ng sexy star na si Ellen Adarna with friends kasama ang hottie son ni incoming president Rody Duterte, si Baste, sa Siargao.

Talup-talupan na si Ellen sa kanyang mga ina-upload na photos sa kanyang Instagram account. At mukhang enjoy to the highest level sila dahil sa may mga kaharap silang bote ng alak at sigarilyo habang nagkakasiyahan at nagkokodakan.

Apat silang magkakasama – dala­wa silang girls at two boys din na ang isa nga ay si Baste. Pero wala siyang binibigay na pangalan sa dalawang kasama na ang isang girl ang madalas katabi ni Baste sa photos.

Pero may isang photo na iniinggit ni Ellen ang mga naglalaway kay Baste : Sorry hahaha #imnotbasted #siargao #duterte #do30

Anyway, hindi naman siguro si Ellen ang GF ni Baste dahil ang balita ay may relasyon pa sila ng nanay ng apo ni incoming president.

Lately nga pala ay walang ‘career’ si Ellen after ng Pasion de Amor. May ilang isyu ng unprofessionalism ni Ellen noon pero itinanggi niya.

So far ang pinagkakaabalan niya ay beach sexy photos sa Instagram at pangilan-ngilan niyang endorsement. Pinapakita rin niya ang pagwo-work out niya.

Na-link si Ellen at leading man niya sa Pasion de Amor na si EJ Falcon.

Pero common knowledge na basted ang actor. Pero at least si EJ may sinisimulan nang serye ngayon with Paulo Avelino and Ritz Azul na sa Europe pa sino-shoot habang si Ellen ay pa-chill chill lang sa beach.

Marian pinag-aaralan pa rin ang pagho-host

Kayang-kaya, very lively at parang pro na pagdating sa pagho-host, ang ilan sa mga positibong komento na natatanggap ni Marian Rivera sa kanyang talk show na Yan Ang Morning! Kahit sa simula ay aminado na ang Primetime Queen na hindi niya forte ang hosting, sinubukan at pinag-aaralan daw naman niya ito. At kahit nga ilang linggo pa lang na napapanood ang kanyang programa sa GMA ay umaani ito ng magagandang feedback.

Natutuwa rin ang viewers dahil madaming aral silang natututunan sa bawat episode ng programa. “Yun naman talaga ang layunin ng show eh, na pagandahin ang umaga nila. Hindi naman talaga lingid sa kaalaman ng lahat na first hosting job ko ito. At very honest naman talaga ako na ine-enjoy ko pero at the same time ang hirap palang maging host. Siyempre, sa ilang taon ko, ang ginagawa ko naman talaga ay pag-arte. Siyempre ang laking opportunity nito para sa akin na, at least kahit papaano nakikita nila na kaya ko pa lang maghost at may natututunan sila. So siguro it takes time rin, na makapa ko pa siya.  Ang mahalaga ine-enjoy ko siya.”

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with