^

PSN Showbiz

Dennis hindi particular sa rating ng Juan…

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Dennis hindi particular sa rating ng Juan�

Hit na hit si Dennis Trillo sa isang event ng Iglesia Ni Cristo na ginawa sa Philippine Arena kamakailan. Sa napanood naming video, punung-puno ang venue at sabay-sabay nagsigawan nang kumanta si Dennis. Hindi marinig ang kanta ng aktor at puro sigawan ang aming narinig.

Pasasalamat na rin ni Dennis ang pagdalo sa event ng INC sa pagkuha sa kanya sa pelikulang Felix Manalo. Nakatitiyak ang INC na hindi ‘yun ang magiging huli sa pagdalo ng aktor sa event nila. Ang ganda ng hashtag na ginamit ng grupo ni Dennis sa nasabing event tamang-tama ang #INCReconnect.

Samantala, pinagdebatehan ng netizens ang post ni Dennis sa Instagram (IG) na “Sa totoo lang hindi importante sakin ang ratings, mas mahalaga sakin ang oras na binibigay mo (audience) para panoorin ang #juanhappylovestory! Kaya salamat sa lahat ng suporta ninyo.”

May nag-agree kay Dennis at may mga komontra rin dahil importante raw sa GMA 7 at production staff ng hot and sexy rom-com series ang ratings. In fairness, ma­ganda ang rating ng Juan Happy Love Story, nagte-trending at natutuwa ang viewers dahil magaan ang tema nito at kumpleto rekados.

Nadagdagan pa ang comedy sa pagpasok ni Joross Gamboa na nakakatawa sa role ni Bob na childhood friend ni Heart Evangelista. Kaseksihan naman ang dala ni Kim Domingo kapag pumasok na ito sa eksena.

Pelikula ni Tom nagka-problema

Hindi pala natuloy noong May 18, ang sho­wing ng Magtanggol dahil nagkaroon ng problema sa audio mix ng pelikula. Naurong sa June 8 ang showing na kabilang sa bida ay sina Tom Rodriguez, Dina Bonnevie, Denise Laurel, Ejay Falcon, Jonee Gamboa, Albie Casino, Yam Concepcion, Kim Domingo at Jonee Gamboa.

Dahil sa bagong playdate, muling magkakaroon ng premiere night ang pelikula sa June 6 at 7pm., sa SM Mall of Asia. May screening din sa UP Film Center sa June 5 sa direction ni Sigfreid Barros Sanchez at produced ng Felix and Bert Film Productions ang Magtanggol.

Pang-iiwan ni Alden kay Maine, ginagawa pa ring big deal

Hindi uso kay Alden Richards ang jet lag dahil the day after makabalik niya from Italy sa shooting ng movie nila ni Maine Mendoza na Imagine You and Me, may event agad siya sa Lipa City.

Sa May 27, ang balik nina Alden at May 28, ang event na dadaluhan niya.

Kabilang si Alden sa guest sa Four Elements of Fashion Model Search 2016 at kasama niyang guests sina Tom Rodriguez at Martin del Rosario at ang SOS Children’s Village sa Lipa City ang beneficiary.

Anyway, sa pagbabalik nina Alden at Maine, sana natigil na ang isyung pang-iiwan daw ni Alden kay Maine. Nangyari ito nang pumunta sa Vatican si Alden na hindi kasama ang ka-love team.

Kahit in-explain na ng staff ng movie na may shoot si Maine kaya hindi nakasama kay Alden, may mga nagtampo pa rin sa aktor dahil bakit daw iniwan si Maine.

vuukle comment

POWERHOUSE MIGHTY SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with