Sa Q&A na lang kailangang galingan umaasam sa korona ni Pia na si Maxine Medina nagiging pang-beauty queen na ang aura

SEEN: Hindi pa nagsasalita si Zsa Zsa Padilla tungkol sa tunay na dahilan ng break up nila ng boyfriend na si Conrad Onglao pero ito ang nagmumukhang kontrabida at bugbog na bugbog sa public opinion dahil sa mga naglalabasan na kuwento na hindi pabor sa kanya.

SCENE: Sulit ang paulit-ulit na rehearsals bago ang final take ng mga artista ng This Time ng Viva Films dahil pinupuri ang mahusay na pagganap nila at ang maayos na direksyon ni Nuel Naval.

SEEN: Nabulabog kahapon ang mga nanood ng This Time sa Trinoma at SM North Edsa Cinema dahil sa surprise visit nina James Reid at Bret Jackson.

SCENE: Co-presentor ng This Time ang Cornetto ice cream kaya malaki ang exposure nito sa pelikula. Sina James Reid at Nadine Lustre ang mga celebrity endorser ng Cornetto.

SEEN: Ang dahan-dahan na sophisticated transformation ni Maxine Medina, ang Philippine representative sa Miss Universe 2016. Bukod sa physical appearance, dapat pagtuunan ni Medina ang diskarte niya sa pagsagot sa question and answer portion ng beauty pageant na kanyang sasalihan.

SCENE: Ang My Candidate ang biggest movie break ni Shaina Magdayao. Bidang-bida si Shaina sa post-election movie na tinatampukan nila nina Derek Ramsay at Iza Calzado.

SEEN: Walang takot na nagsuot ng skimpy underwear si Ketchup Eusebio sa eksena niya sa My Candidate. Gumamit si Ketchup ng lavacara para maging prominent ang kanyang “harap”.

SCENE: Kabilang si Arnell Ignacio sa mga artista na nagdeposito ng pera sa controversial BPI account ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Mula sa P17,816,98, lumobo sa P128, 829.34 ang bank deposit ni Duterte dahil sa donasyon ng kanyang mga supporter.

Show comments