Yen nanginginig kina Jake at Gerald

Muling magbibida sa isang teleserye si Yen Santos. Makakasama ng aktres sina Gerald Anderson at Jake Cuenca sa Because You Love Me. Matatandaang sa panghapong serye na All of Me huling nakapagbida si Yen. “Hindi ko po talaga in-expect. Ang inisip ko parang mag-guest lang ako. No’ng na-present sa akin, nanginginig po talaga ako at nanlalamig. Siguro kasi hindi pa po talaga ako sanay. Hindi pa po nagsi-sink-in, talagang masaya ako na sunod-sunod ang projects,” nakangiting bungad ni Yen. 

Para sa aktres ay isang malaking karangalan na makatrabaho sina Gerald at Jake. “Siyempre napapanood ko na po sila. Effective sila sa mga roles nila. Kasi alam mo na binibigay nila ‘yung 110% nila sa role nila. Kaya kapag pinapanood mo sila, kapit ka. Talagang ino-own nila ‘yung character,” paliwanag ni Yen. 

Malapit nang magsimula ang taping para sa nasabing serye. Bagung-bago ang karakter ng dalaga sa nasabing proyekto dahil gaganap si Yen bilang isang triathlete. “Nakaka-speechless kasi ‘yung character, triathlete ako pero in real life hindi po talaga ako sporty. Very challenging kasi iba talaga siya sa mga nagawa ko before. Dito makikita natin ‘yung sporty side ko naman,” pagbabahagi ng aktres.

Kapamilya actors tinutuhog Arci si Jericho ang uunahin bago isunod sina Piolo at Sam

Ngayon pa lamang ay kinakabahan na raw si Jericho Rosales para sa bagong teleserye na kanyang gagawin. Makakatambal ng aktor sa Never Ever Say Goodbye si Arci Muñoz.

Sinasabing isang epic love story ang tema ng bagong serye. “The word epic, medyo gets mo ‘yon, nakaka-nervous na. Kasi siyempre malaki ang requirement. Ano siya, parang remake ng isang pelikula, ‘yung Kastilyong Buhangin nina Lito Lapid and Ate Guy (Nora Aunor). Obviously, ako si Lito Lapid at si Arci si Ate Guy,” paliwanag ni Jericho. 

Sobrang excited na umano ang aktor na makatrabaho si Arci. “I’m very excited kasi it’s a fresh partnership and I’ve heard good things about her. Mukha siyang bubbly na tao, I’m really excited to work with her,” pagtatapat ni Jericho. 

Samantala, masayang-masaya naman si Arci sa takbo ng kanyang career ngayon kaya wala na siyang mahihiling pa. “Ang tagal ko rin po kasi hinintay ang time na ito. Siguro sabi ni Lord, ikaw naman, time for yourself,” nakangiting pahayag ni Arci. 

Una nang nakatambal ng aktres si Gerald Anderson para sa pelikulang Always Be My Maybe. Bukod kay Jericho na katambal ngayon ni Arci ay napababalitang makakatambal din ng dalaga sa mga susunod na proyekto sina Piolo Pascual at Sam Milby. “Nagpapasalamat po ako sa lahat ng binibigay nila sa akin na project. And whoever na i-partner sa akin, ibibigay ko ang best ko and I’ll make sure ‘yung leading man ko magiging kumportable,” giit ni Arci.

Show comments