Happy na single Shaina ayaw makisawsaw kina John Lloyd at Bea
Rodel C. Lugo (Pilipino Star Ngayon) - April 22, 2016 - 10:00am

MANILA, Philippines - Happily single pa rin hanggang ngayon si Shaina Magdayao nang maki­pagtsikahan ito sa presscon para sa season two ng Single/Single. Tila kuntento rin siya na walang nagpapatibok ng kanyang puso dahil sobrang busy din siya sa rami nang trabaho.

Busy siya sa pag-promote para sa pelikula nila ni Derek Ramsay na My Candidate na mapapanood na sa mga sinehan simula May 11. Ang My Candidate ay nasa direksyon ni Quark Henares. Bukod pa riyan ay kasama rin siya sa pelikula ni Direk Paul Soriano na Dukot with Enrique Gil naman.

At sa sobrang pagiging busy daw ni Shaina ay hindi na niya mabigyan ng oras ang lovelife, kahit ang pa-date-date lang.

Relate na relate naman ang dalaga sa karakter niya sa mini-series na proyekto ng The Philippine STAR at mapapanood sa Cinema One na Single/Single. Bilang isang millenial ay excited siyang pumunta lagi sa set ng pagbabalik-TV ng Single/Single. Naka-relate raw kasi siya kung paano hanapin ang sarili at sa advocacy ng series sa tamang paghawak ng pera.

Bukod pa rito ay naging breather din daw niya ang mini-series sa magkakasunod na proyektong ginagawa niya at mabibigat na roles pa. Light lang kasi ang Single/Single at parang hindi raw sila nagtatrabaho.

Hindi naman masagot ni Shaina nang matanong ito kung ano ang makakapag-give up sa kanya ng singlehood. At  her mid-20’s nga naman kasi, marami na siyang kapanabayan ang nagsipagbuntisan na kung hindi man ay nakapag-asawa na.

Ayon sa aktres, wala sa plano niya ang pag-give ng pagiging single, siguro kung dumating na raw at naramdaman na niya ay saka niya ito masasagot.

Pagdating naman sa pera, hindi raw issue ito kay Shaina. Kesehodang siya ang bumuhay sa lalaki, basta daw maging mabait ang kanyang magiging partner.

Nang matanong naman ito kung sakaling may bumalik sa kanyang nakaraan at magparamdam muli (na obviously ay si John Lloyd Cruz ang tinutukoy), hindi masabi ng dalaga kung tatanggapin niya ito o hindi. Wala naman daw kasing nagpaparamdam sa ngayon at pabiro nitong sinabi na baka na-stuck lang sa trapik sa EDSA ang kanyang knight in shining armor.

Tungkol naman sa relasyon diumano ng ex niyang si John Lloyd at kaibigang si Bea Alonzo, ay ayaw nitong makialam. Wala raw kasi siyang alam at ayaw niyang makisawsaw sa buhay ng ibang tao. Ayaw niya rin kasing pakialaman ng iba ang sarili niyang buhay.

Ang season two pala ng Single/Single ay mapapanood na simula May 15, alas-10 n.g. sa Cinema One. Kapareha niya pa rin sa mini-series si Matteo Guidicelli at mapapanood pa rin dito sina Cherie Gil, Cinema One Originals actress Anna Luna, at theater actor na si Brian Sy. Ang Single/Single ay nasa pamamahala ng international award-winning indie director na si Pepe Diokno.

Sa mga hindi pa nakapanood ng season one, maaaring balikan ang lahat ng episodes simula May 1 sa www.philstartv.com.

                             

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with