El Gamma Penumbra kakaibang level ang galing, anino ni Sen. Grace nakopya

World class talent talaga ang grupo ng El Gamma Penumbra, ang grand champion sa unang season ng Asia’s Got Talent noong 2015.

Featured performers ang El Gamma Penumbra sa music video ng Gobyernong May Puso ni Senator Grace Poe at napabilib nila ako sa kanilang ginawa.

‘Di hamak na mas bongga ang performance ng El Gamma Penumbra sa music video ng Gobyernong May Puso compared sa winning act nila sa Asia’s Got Talent.

Palaisipan sa akin kung paano nakopya ng El Gamma Penumbra ang anino ng mukha ni Mama Grace sa music video na four minutes at 16 seconds ang haba. Muntik ko nang isipin na si Mama Grace talaga ang anino sa bonggang music video na napanood ko.

Brilliant ang nakaisip na imbitahan ang El Gamma Penumbra para sa music video ng Gobyernong May Puso dahil talagang nakukuha nito ang atensyon ng mga tao.

Alfred dala-dalawa ang babae sa Pana-Panahon

Dalawang beses ang proclamation rally ng Liberal Party nina Mar Roxas at Leni Robredo noong Martes, isa sa Capiz at isa sa Iloilo.

Nalaman ko mula kay Congressman Alfred Vargas ang magkasunod na kick off rally ng LP sa Capiz at Iloilo dahil kasama siya sa mga nangangampanya para sa kandidatura nina Papa Mar at Mama Leni.

Ang pagsama sa LP sorties ang isa sa mga pinagkakaabalahan ni Alfred na sure winner na bilang congressman ng District V ng Quezon City dahil walang nangahas na lumaban sa kanya.

Bukod sa pagtulong sa kampanya, naghahanda na si Alfred para sa shooting ng kanyang bagong indie movie, ang Pana-Panahon na official entry sa To Farm Film Festival.

Dalawa ang leading ladies ni Alfred sa Pana-Panahon pero hindi pa tapos ang casting kaya hindi pa niya masabi kung sino-sino ang kanyang makakapareha.

Jericho Petilla may panlaban sa kantahan

Kasama sa kick off rally ng Liberal Party si former Energy Secretary Jericho Petilla na kumakandidatong senador.

Nalimutan ko na ikuwento na magaling na singer si Papa Jericho dahil ipinarinig nito ang kanyang golden voice sa tsikahan portion niya sa entertainment press.

May-I-sing ni Papa Jericho ang Kahit Isang Saglit na original song ni Vernie Varga pero pinasikat nang husto ni Martin Nievera.

Hindi na memorized ni Papa Jericho ang lyrics ng Kahit Isang Saglit dahil sa rami ng kanyang mga ginagawa.

Ang magandang boses ang isa sa mga asset ni Papa Jericho at puwede niyang gamitin ang kanyang talent sa pagkanta para suyuin ang mga botante.

At dahil napanood ni Papa Jericho ang #WalangForever movie nina Jennylyn Mercado at Jericho Rosales, naniniwala siya na may forever, sabay-turo sa magandang misis niya na kasama sa kanyang tsikahan portion sa entertainment press.

Alonzo umariba ang pagka-mema

Bibong-bibo si Alonzo Muhlach sa presscon ng Ang Panday noong Martes dahil kahit sino, kinakausap niya.

Nagmana talaga ang bagets sa kanyang tatay na si Niño Muhlach, ang one and only child wonder ng Philippine Cinema noong dekada ’70.

Natawa ang mga reporter nang imbitahan ni Alonzo ang lahat na suportahan ang pelikula ni Richard Gutierrez. Na-confuse ang bagets dahil teleserye at hindi pelikula ang project nila ng kanyang Kuya Richard.

May pa-eklay pa si Alonzo dahil nagtanong ito kung sino ang taga-production staff sa presscon at nang may sumagot, “okey” lang ang reaksyon niya.

Ang akala pa naman ng production staff, may important announcement ang small but terrible sidekick ni Richard sa Ang Panday. Good example si Alonzo ng isang tao na “Mema” o me masabi lang.

Show comments