^

PSN Showbiz

Kaya nagtitiis sa initan Daniel nag-iipon na para sa kasal nila ni Erich!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Excited na si Daniel Matsunaga na magkaroon ng pamangkin sa kanyang kapatid na si Vanessa dahil manganganak na ito ngayong buwan. Nangangarap na ring mag-asawa at magkaroon ng sariling pamilya si Daniel. “Mag-asawa siyempre gusto ko. May plans ako with Erich (Gonzales) especially pero siyempre trabaho muna, ipon muna. Plan things first before you do anything in life. In God’s timing,” nakangiting pahayag ni Daniel.

Namamayagpag ngayon sa ratings ang teleseryeng pinagbibidahan ng model-actor at kasintahang si Erich na Be My Lady. Puspusan daw talaga ang ginagawa nilang trabaho ngayon para sa nasabing proyekto. “Kaunti lang ang tulog, parating puyat pero sobrang saya and blessed. Actually this is the first time I’m really doing extra effort talaga kasi mahal ko ‘yung show. ‘Yung role ko doon, it really affects me. It’s super nice,” pagbabahagi ni Daniel.

“I’m really enjoying this acting stint. Kahit mainit, kahit always under the sun, super enjoy ko ‘yung show. Maganda ‘yung story and very positive ‘yung feedback. Everything is going well,” dagdag pa niya.

Kasama rin sa nasabing serye sina Priscilla Meirelles, Janice de Belen, Al Tantay, Yayo Aguila, Yves Flores, Devon Seron, at Karen Reyes.

Bailey hindi na makaalis ng ‘Pinas

Hindi raw halos makapaniwala ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Bailey May na magkakaroon na siya ng sariling album. Aminado si Bailey na matagal na niya itong pinapangarap. “At first I was very shocked because my dream would be to have my album, record my own songs and record in a studio. So when I first heard it I was mind-blown and I couldn’t believe it po,” kwento ni Bailey.

Sobrang hinahangaan daw ng binatilyo ang istilo ng musika ng One Direction. “I like One Direction’s type of music because I have a similar voice to them, like the same, true,” nakangiting pahayag ni Bailey.

Naging malaking impluwensya sa aktor ang mga magulang pagdating sa musika. “My parents are very professional singers and I learned by watching them all these years,” giit ni Bailey.

Hindi pa raw makababalik sa England ang binata dahil maraming mga proyekto ang kanyang ginagawa. Ngayong umuusbong na ang showbiz career ng aktor ay may posibilidad kaya na umuwi na rin dito sa Pilipinas ang kanyang buong pamilya? “Well, my mom and my sister are in England. It’s just me and my dad here but yeah so far so good. We’re not planning to come back yet po,” sagot ni Bailey.

Nangangarap din ang aktor na magiging inspirasyon siya ng mga kabataan ngayon. “Probably just to let you know a normal teenage boy being an inspiration to other teenagers and I just want them to know that they shouldn’t be shy in showing who they really are,” pagtatapos niya.

ACIRC

AL TANTAY

ALIGN

ANG

BAILEY

BAILEY MAY

BE MY LADY.

LEFT

ONE DIRECTION

QUOT

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user