Vice at Angel, naging emosyonal sa PGT
(Pilipino Star Ngayon) - February 3, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Dalawang emosyonal na performance ang umantig sa puso ng mga manonood at judges noong weekend sa world class talent reality show na Pilipinas Got Talent.

Hindi lang nagpamalas ng talento ang PGT hopefuls na sina Raynier Dalde at Micah Cate, nagsilbi rin itong inspirasyon dahil sa tibay ng kanilang loob na ipinakita sa entablado at sa buhay.

Naiyak na lang ang mahiyaing operatic singer na si Raynier nang magstanding ovation sa kanya ang judges na sina Freddie Garcia, Angel Locsin, Robin Padilla, at Vice Ganda matapos ang kanyang hindi inaasahang version ng awiting All of Me.  Nang tanungin ni Vice kung bakit siya umiiyak, humihikbing pinaliwanag ni Raynier na bihira lang siya makatanggap ng puri. Maging si Angel ay speechless at nadala sa kanyang awitin.

Maluha-luha naman si Micah Cate na nabigyan ng ikalawang pagkakataon na ipagpatuloy ang kanyang PGT journey. Biglang nagbago ang isip si Vice sa botong ‘no’ na unang ibinigay nito sa kanya matapos ang kanyang madamdamin pag-awit sa kabila ng pagkakaroon ng bingot. Emosyonal na humingi ng paumanhin si Vice kay Micah sa pagkakamaling nagawa.

Dalawa lamang ito sa nakakabilib na kwento ng tagumpay na nasasaksikan linggo linggo sa Pilipinas Got Talent.

Patuloy ngang napapanood ang Manila leg ng auditions at mahigit sampung acts na ang pasok sa susunod na round.

Pinalad na ring dumiretso sa semi-finals ang contemporary dancers na Power Duo na matapos silang mapili ni Robin bilang unang Golden Buzzer act ngayong season.

Simula ng umere ito noong January 30 ay bagong weekend habit na ng mga Pinoy ang panonood ng Pilipinas Got Talent. Noong nakaraang Sabado (Jan. 30), wagi itong muli sa timeslot sa national TV rating na 27.5%. Tinangkilik din ito noong Linggo (Jan. 31) at pumalo ng 28.6%.

Napapanood ang Pilipinas Got Talent tuwing Sabado pagkatapos ng MMK, at Linggo pagkatapos ng Rated K sa ABS-CBN.

ALL OF ME ANG ANGEL LOCSIN FREDDIE GARCIA GOLDEN BUZZER JAN LINGGO MICAH CATE PILIPINAS GOT TALENT POWER DUO RATED K
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with