Namatay na ama na hindi masyadong nakilala ni Lea, nagpaparamdam! Sa rami ng hada Pia ngarag na ang hitsura
(Pilipino Star Ngayon) - February 2, 2016 - 9:00am

SEEN: Wala si Diether Ocampo sa Grand Caravan Show ng Viva at TV5 sa Market! Market! noong Linggo dahil magkasama sila sa Singapore ng kanyang girlfriend na si Michelle Barrera.

SCENE:  Mali ang pasabog ni Claudine Barretto sa presscon ng Bakit Manipis Ang Ulap na hiwalay na si Diether Ocampo sa girlfriend nito dahil malinaw na ebidensya ang Singapore vacation ng aktor at ni Michelle Barrera.

SEEN:  Bakas  ang pagod sa mukha ni Miss Universe Pia Wurtzbach nang mainterbyu siya ng media sa press room ng Super Bowl 2016. Si Pia ang special correspondent ng Inside Edition sa Super Bowl.

SCENE: May naamoy na men’s cologne si Lea Salonga habang nanonood siya ng TV sa living room niya. Nagpaparamdam kay Lea ang kanyang namatay na ama ang suspetsa ng naniniwala sa mga pamahiin.

SEEN: “Rest in peace” ang simpleng mensahe ni Lea Salonga para sa kanyang estranged father na hindi niya nakilala nang husto. Pumanaw noong January 29 ang ama ni Lea na si Rear Admiral Feliciano Salonga na dating chairman ng Subic Bay Metropolitan Authority.

SCENE:  Pinakamaganda sa past Bb. Pilipinas-Universe winners si Dang Cecilio, ang representative ng bansa sa Miss Universe 1979  na sinubukan din noon na maging artista. Nangibabaw ang kagandahan ni Dang sa Miss Universe Homecoming Tribute para kay Pia Wurtzbach.

SEEN: Best-dressed si Vicky Morales sa mga ninang sa kasal noong Sabado ng mga television reporter na sina MJ Marfori at Oscar Oida.

ANG BAKIT MANIPIS ANG ULAP CLAUDINE BARRETTO DANG CECILIO DIETHER OCAMPO GRAND CARAVAN SHOW INSIDE EDITION LEA SALONGA MICHELLE BARRERA STRONG SUPER BOWL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with