^

Vic problemado sa itatawag sa mga magulang ni Pauleen

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - January 31, 2016 - 9:00am

PIK: Nag-trending ang kasalang Vic Sotto at Pauleen Luna na ginanap sa St. James The Great Parish sa Ayala Alabang nung kamakalawa ng gabi.

Bukod sa bagong kasal na Bossing Vic at Poleng, pinagkaguluhan doon para magpalitrato si Ms. Universe Pia Wurtzbach at ang sikat na tambalang AlDub na sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Bridesmaid si Pia at nasa offering naman sina Alden at Maine. Pero pagdating sa reception, si Maine na lang ang nakadalo.

Si Pia ang isa sa naluha nang mag-I do sina Vic at Pauleen sa isa’t isa. Pero hindi rin napigilan ni Bossing Vic na maluha nang banggitin ng officiating priest na si Fr. Jeffrey Quintela ang kanyang mga anak.

Sabi ni Bossing Vic, pagdating daw sa mga anak niya ay talagang tinatamaan siya.

Kaya patuloy siyang nagpapasalamat sa mga anak niya pati kina Marc Pingris at Kristine Hermosa na nirespeto ang kanyang desisyong pagpapakasal at patuloy na pagmamahal sa kanya.

Pahayag ni Bossing Vic; “Sabi ko nga sa aking mga anak, pasensya na, pero ako’y buong pusong nagpapasalamat sa inyo.

“I always say na, it was not that easy for all of us na tanggapin ang kung ano man. Pero in this instance naramdaman ko kung gaano ‘nyo ko nirerespeto.

“Hindi lang ‘yung basta na sinasabi na ‘we respect, pero naramdaman ko talaga deep in my heart ‘yung respeto n’yo sa akin mga anak ko.

“And, ‘yung pagmamahal n’yo sa akin, ramdam na ramdam ko talaga. And alam ko na hindi mahirap mahalin ‘yung aking asawa.”

PIK: Bahagi ng mensahe ni Bossing Vic sa Exchange of Vows nila ni Pauleen na ginawa sa kanilang reception sa Filinvest Tent sa Alabang, ipinaliwanag na niya ang kanyang priorities sa buhay.

Sabi niya; “I want to tell you something; from this day forward, you will be my number two in my life.”

Paliwanag ni Bossing Vic, ang sinasabi raw niya ay mga priorities niya sa kanyang buhay.

Sabi niya; “I’m talking my priorities in my life.

Dati kasi, sabi nga niya..actually, number 6 siya, binola ko na number 5 ka.”

Sumingit si Pauleen na ang number 5 talaga ni Vic ay golf.

Patuloy pa ng Eat Bulaga host; “Number one, of course God.

“Number 2 my children. Number 3, my family. Number 4 my job, nandun na rin my career. Number 5, golf. Number 6, siya.

“So, from number 5, number 2 na siya ngayon sa buhay ko. Which means that I love you and I will take care of you, and I wanna thank you, you and your family.”

Tumatango naman ang mga anak ni Vic na nakikitang masaya at naintindihan nila ang priorities ngayon ng kanilang ama.

BOOM: Doon pa rin sa reception ng kasalang Vic at Pauleen, nagbigay din ng mensahe si Bossing Vic sa mga magulang ni Pauleen na sina Fidel at Chat Luna.

Hindi lang daw niya maisip kung ano ang itatawag niya sa kanyang mga biyenan. “Mas matanda pa yata ako sa kanila. Puwede ba pare na lang?” sabi ni Bossing Vic sa Daddy ni Pauleen.

Natatawang pahayag ni Bossing Vic; “Kung tawagin namin si Mommy Chat, MotherLu, Mother Luna.

“Pero matagal na akong nagku-contemplate, ano kaya ang itawag ko kay FatherLu? Eh para lang kaming magkumpare,”

Nagtawanan ang lahat na nandun sa reception, dahil hindi pa rin nawawala ang patawa ni Bossing Vic na masayang-masaya nu’ng gabing iyun.

Sa Miyerkules ay lilipad ang bagong kasal patungong Maldives para doon mag-honeymoon.

ACIRC ALIGN ANG BOSSING BOSSING VIC LEFT NUMBER PAULEEN QUOT STRONG VIC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with