^

?Poleng pangalawa lang sa priority ni Bossing! Xian, Erik, Jed, Piolo, at Sam meron daw pagkakaparehas!

SEEN SCENE (Pilipino Star Ngayon) - January 31, 2016 - 9:00am

SEEN: Pangalawa lamang si Pauleen Luna sa mga priority ni Vic Sotto dahil ang Diyos ang nangunguna sa listahan ng TV host/comedian.

SCENE: Simple but elegant ang wedding gown ni Pauleen Luna pero may mga komento sa kanyang hairdo dahil nag-mature ang hitsura niya.

SEEN: Nabuhay ang isyu ng “common denominator” nina Xian Lim, Erik Santos, Jed Madela, Piolo Pascual, at Sam Milby nang mag-perform sila sa Miss Universe Homecoming Special na ipinalabas kagabi sa Sunday’s Best ng ABS-CBN.

SCENE: Bumalik na kagabi sa New York si Miss Universe Pia Wurtzbach matapos ang isang linggo na pamamalagi sa bansa. Babalik si Pia sa Pilipinas sa April 17 para sa coronation night ng Bb. Pilipinas 2016.

SEEN: Ang Instagram post ni Sam Milby na siya ang personal na inimbitahan ni Pia Wurtzbach na magpunta sa victory dinner para sa reigning Miss Universe noong Biyernes.

SCENE: Si Vilma Santos ang nagdala sa Everything About Her. Effortless ang pagpapaiyak ni Vilma sa audience ng pelikula nila nina Xian Lim at Angel Locsin na pinipilahan sa mga sinehan.

SEEN: Ang Sa Panahon Ng May Mga Tama ang first ever Valentine concert ng popular radio DJ na si Papa Jack na umaasa na manonood sa Araneta Coliseum sa February 13 ang avid listeners ng kanyang radio program.

SCENE: Sa February 13 ang final telecast ng Walang Tulugan With The Master Showman. Hindi pa nagbibigay ng announcement ang GMA Network, Inc. sa programa na ipapalit sa magpapaalam na programa ni German Moreno.

ALIGN ANG ANGEL LOCSIN ARANETA COLISEUM ERIK SANTOS LEFT PAULEEN LUNA QUOT SAM MILBY STRONG XIAN LIM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with