Rachelle Ann umuwi ng ‘Pinas para rumaket!
SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Nasa bansa pala si Rachelle Ann Go para sa isang event ng isang product last night.

After ng appearance niya kagabi, magkakaroon siya ng time sa pamilya niya dahil sa Saturday na ang next event na aapiran niya. At hindi lang daw si Rachelle Ann ang darating sa nasabing event ng Creamsilk sa Saturday kundi malamang maging si Miss Universe Pia Wurtzbach. Pero depende raw sa magiging arrival kung aabot siya sa nasabing event.

Pero ang bongga ha. Ima­gine, napauwi nila si Rachelle Ann. Meaning, fabulous ang talent fee niya.

I’m sure hindi naman siya basta-basta babalik ng bansa kung payat ang bayad sa kanya.

Heart may cooking show na rin sa Star World

Uy may cooking show na pala si Heart Evangelista at mapapanood na raw ito this month kasama ang celebrity chef na si Stefano De Medici sa Star World Asia.

Sa naturang show na pinamagatang FoodTrip, ipapakita raw ni Heart at Chef Stefano ang mga paboritong pagkain ng mga popular at maimpluwensiyang tao.

Isa sa mga naging guest nila sa unang episode ay si UK Ambassador to the Philippines Asif Ahmad.

Ayon sa isang malapit kay Heart, natutuwa ito na marami siyang natutunan sa nasabing cooking show dahil aminado siya na mas magaling magluto ang asawang si Sen. Chiz Escudero.

‘Di ba napabalita na ang mister niya ang nagsilbing chef noong New Year’s Eve dinner nila sa bahay ng sister (Cam) ng kanyang misis.

Ilang taon na ang nakakaraan nang mag-aral palang magluto si Chiz sa First Gourmet Academy ni chef Reggie Aspiras kung saan niya umano natutunang magluto ng kare-kare, sinigang, adobo, tinola at paella na paborito raw ng mga anak ng senador.

Pelikulang Tagalog sunud-sunod na

Pagkatapos kong mapanood ang pelikulang Lakbay 2 Love, gusto ko ring bumili ng bike. Choz!

Bida sa Lakbay 2 Love sina Dennis Trillo and Solenn Heussaff na tungkol sa pangangalaga sa mother earth sa pamamagitan ng paggamit ng bisikleta.

Maganda ang gustong ihatid na mensahe ng pelikula na konsepto ni Direk Ellen Ongkiko.

Pero hindi lang naman lahat tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran ang pelikula dahil may love triangle na mabubuo dahil sa pagbibisikleta.

February 3 ang showing ng indie film at second film for 2016 na ipalalabas sa mga sinehan. Ang sabi, limited theaters lang ang paglalabasan nito.

Naunang ipinalabas sa mga sinehan ngayong taon ang Lumayo Ka Nga sa Akin na isang parody movie ng mga kagagahan at kalokohan sa mga teleserye at pelikula.

Next na ipalalabas ang Everthing About Her starring Gov. Vilma Santos, Xian Lim and Angel Locsin. Pang buena mano naman sa Valentine month ang Girlfriend for Hire ng Viva Films starring Andre Paras and Yassi Pressman and Love is Love nina Derek Ramsay ang Solenn Heassaff ng Regal Films.                         

ANDRE PARAS AND YASSI PRESSMAN AND LOVE ANG CHEF STEFANO CHIZ ESCUDERO DENNIS TRILLO AND SOLENN HEUSSAFF DEREK RAMSAY DIREK ELLEN ONGKIKO MGA NBSP PERO RACHELLE ANN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with