Singer-actress nakahiga ‘pag nagpapa-make up!
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2016 - 9:00am

Nakakaloka! Habambuhay na sigurong hindi makakalimutan ng mga becking make-up artist ang mga anekdota nila tungkol sa isang singer-actress. Detalyado pa rin nilang naaalala ang mga kalokahan ng female personality.

Sa umpukang ‘yun ay nagkasama-sama para sa kanilang regular na pagba-bonding ang mga make-up artist, stylist at hairdresser na lahat ay nakatrabaho na ng singer-actress na nakakaloka ang mga pinaggagagawa.

Kuwento ng aming source, “Sabi ng isang make-up artist, e, sa babaeng ‘yun lang niya naranasang parang nagdadasal siya habang nagtatrabaho. Paano naman kasi, nakahiga ang girl habang nagpapa-make-up!

“Sobrang busy raw kasi niya, antok na antok pa siya, kaya habang minemeyk-apan siya, e, buong-ningning siyang nakahiga! So, ang pobreng make-up artist, nakaluhod naman na parang nagpe-pray!”

At may kasunod pang kuwento ‘yun na ang sangkot naman ay isang stylist. Maraming dinadamitan ang becki, maraming artistang sa kanya nagpapahanap ng mga ex-deal, para hindi na sila gumastos pa.

Patuloy ng aming source, “Naku, madiwara ang babaeng ‘yun! Hirap na hirap sa pag-pullout ng mga susuutin niya ang stylist sa mga shops, tapos, hindi naman pala ‘yun isusuot ng lokah!

“Bubusisiin niya ang damit. Kesyo napaka-ordinary kuno ng tela, kesyo matigas, kesyo makati sa balat, kaya hindi niya isusuot ‘yun! Personal dress na lang niya ang gagamitin niya!

“Pinapagod niya ‘yung tao, tapos, hindi naman pala niya gagamitin ang mga kinukuhang outfit para sa kanya? Ganu’n siya kaarte, pero kumustahin n’yo naman kung anu-anong damit ang isinusuot niya sa show?

“Mga damit na naisuot na ng kapatid niya, kasi nga, naghihiraman sila!” nakairap na kuwento ng aming source.

Ubos! Alden hindi na mapigilan ang nararamdaman kay Maine

Ibang-iba talaga ang kilig kapag parehong nasa kalyeserye sina Alden Richards at Maine Mendoza. Buhay na buhay ang mga tilian at sigawan, nakabibingi ang kapaligiran, dahil nandu’n ang tambalang AlDub.

Anim na buwan na silang naghahasik ng kilig at kasiyahan sa ating mga kababayan ngayon, nagsimula ang kanilang tambalan nu’ng July 16 ng nakaraang taon, phenomenal ang kanilang pagsikat.

Sino nga ba ang mag-aakala na ganu’n katinding tatanggapin ng publiko ang kanilang loveteam? Maraming salamat sa mga napakaaktibo nilang tagahanga, ang AlDub Nation, na talagang sumusuporta sa kanila.

Kilig na kilig sa kanila ang mga fans nu’ng nakaraang Sabado dahil diretso nang sinabi ng Pambansang Bae kay Yaya Dub ang linyang “Akin ka na lang.”

Lalong kinilig ang AlDub Nation nang seryoso na sanang magpapaalam si Alden sa mga lola tungkol sa kanyang saloobin, pero biglang bumusina, sundan ang susunod na kabanata ngayong tanghali sa nakakikilig na kalyeserye ng Eat…Bulaga!.

Naghahampasan pa ang kanilang mga tagahanga kapag naglalambingan sila, meron pa ngang umiiyak, kaya hindi kaeksaheraduhan kung sinabi man ng iba na sila ang Guy & Pip ng kasalukuyang panahon.

Hindi nabibili ang kaligayahan, lalong hindi natin mapipilit ang kahit sino na hangaan ang ayaw nila, napakasuwerte ng AlDub sa pagtatanging ibinibigay sa kanila ng ating mga kababayan.

ACIRC ALDEN RICHARDS ANG HINDI MAINE MENDOZA MARAMING MGA NBSP NIYA PAMBANSANG BAE YAYA DUB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with