‘Mag-inang’ Pops at Maine nagkita na rin ng personal

Nagmistulang nabuhay ang Sampaguita Pictures sa huling lamay ng showbiz icon na si German “Kuya Germs” Moreno sa Our Lady of Mt. Carmel Shrine last Tuesday, January 12 dahil nagsidatingan doon ang kanyang mga kaibigan at da­ting kasamahan sa dating home studio. Except for the movie queen na si Susan Roces na dumating sa unang gabi ng wake, namataan namin doon ang ama ni Sen. Bong Revilla, ang veteran actor at dating senador na si Ramon Revilla, Sr. (in his wheelchair), Gloria Romero, ang mag-asawang Robert Arevalo at Barbara Perez, Ronaldo Valdez, Daisy Romualdez, Romeo Rivera, Boy Ala­no, Marita Zobel at marami pang iba.

Ang gabi ng Sampaguita ay binuo ni Manay Ichu Vera-Perez-Maceda, pa­nganay na anak nina Dr. and Mrs. Jose Perez ng Sampaguita Pictures. Ang pamilya Vera-Perez ay itinu­ring ni Kuya Germs na pa­nga­lawang pamilya mag­mula nang siya’y ma-discover ni Sampaguita matriarch na si Mama Nena Vera-Perez sa isang bodabil sa Clover Theater kung saan siya nagsimula bilang janitor at telenero.

Dumating din sa final wake ang phenomenal discovery ng taong 2015 na si Maine “Yaya Dub” Mendoza, Christopher de Leon, Evangeline Pascual, Ernie Garcia, Francine Prieto, Lani Mercado and son Bryan Revilla, Pops Fernandez at maraming iba pa.

Sa huling lamay ni Kuya Germs sa Mt. Carmel ay nagkita na rin sa wakas ang sinasabing magkahawig na sina Pops at Maine na puwedeng mapagkamalang magkapatid o kahit mag-ina.

Samantala, pagkatapos ng isang overnight vigil sa home studio ni Kuya Germs sa GMA, nakatakda siyang ihatid sa kanyang huling hantungan ngayong araw ng Huwebes sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.

Daniel habambuhay na ang commitment kay Erich

Aminado pareho sina Erich Gonzales at Da­niel Matsunaga na gusto nila na mag-end up sa altar ang kanilang relasyon.

“Siya ang gusto kong makasama habambuhay,” pahayag ni Daniel na napakatatas nang magsalita ng Tagalog.

Biniro tuloy si Daniel ng mga dumalong entertainment writers sa presscon ng first tele­serye nila together na Be My Lady na ang bahay na kanyang ipinapagawa ngayon ay paghahanda na sa kanyang pag-aasawa.

Huling nakarelasyon ni Daniel si Heart Evangelista na misis na nga­yon ni Sen. Chiz Escudero. Matagal ding hindi nagkaroon ng kasintahan ang Brapanese ex-PBB (Pinoy Big Brother) grand winner bago dumating si Erich.

Camille hindi na choosy sa trabaho

Hindi kaya nailang si Camille Prats to play the role of a mother ng teenstar na si Bianca Umali sa TV series na Wish I May considering na ilang taon lamang ang kanilang gap?

Ayon sa actress/TV host, maganda umano ang role na muling ipinagkatiwala sa kanya ng GMA. Sa istorya, naging anak niya si Bianca when she was in her teens kaya ang 15 years age gap nila ni Bianca ay tama lamang.

Camille is now engaged to her U.S. based boyfriend na si John “BJ” Yambao and their wedding will happen next year.

Show comments