‘Di na dapat magsama Kim at Kris semplang na naman, parang may sumpa sa pelikula

SEEN: Blockbuster sa block screening ang All You Need Is Pag-ibig dahil pitong block screening ang dinaluhan ni Kim Chiu noong December 26.

SCENE: Ang block screening ang isa sa mga paraan upang madagdagan ang kita ng mga pelikula.

SEEN: Ang Etiquette for Mistresses ang mahigpit na karibal  ng All You Need Is Pag-Ibig sa Movie with the Most Block Screening Award. Parehong mga bida ng Etiquette for Mistresses sina Kris Aquino at Kim Chiu.

SCENE: Hindi na dapat maulit ang pagsasama nina Kris Aquino at Kim Chiu sa pelikula dahil hindi box-office hit ang kanilang mga movie project. Dapat iwasan nina Kris at Kim na mangyari sa kanila ang kasabihan na “Bad things come in threes”.

SEEN: Ipinagdiwang ni Miss Universe 1st runner-up Miss Colombia Ariadna Gutierrez Arevalo ang kanyang 22nd birthday noong December 25. Perfect birthday gift sana kay Gutierrez ang Miss Universe crown na binawi sa kanya.

SCENE: Maigsi pero markado ang role ni Iza Calzado sa Haunted Mansion, ang number 3 sa karera ng walong pelikula na kasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015.

SEEN: Dumating kahapon sa bansa ang veteran American singer na si Jack Jones para sa concert niya sa Kia Theater sa December 29.

SCENE: Magkasama sa pagbabakasyon sa Singapore si Carl Guevara at ang kanyang girlfriend na si Chanel Morales ng Artista Academy.

Show comments