^

PSN Showbiz

Nakatatak tuwing Pasko Hunk actor na feeling dakota sinapak-sapak ng ka-live in sa harap ng sexy star

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

May naalala ang mga miron sa isang malaking umpukan ng mga taga-showbiz. Kapaskuhan na naman. Hindi pa rin nabubura sa kanilang alaala ang naging relasyon ng isang hunk actor at ng isang sexy star.

Magpa-Pasko na nang magkaroon ng engkuwentro sa tinitirahan nilang condo unit, sumugod du’n ang karelasyon ng hunk actor kung saan meron itong mga anak, nanggulo ang babae at naging atraksiyon sila sa lugar nang halos isang oras din.

Nanggagalaiti ang ina ng mga anak ng hunk actor, mula kasi nang makarelasyon nito ang sexy star ay halos hindi na umuuwi, napabayaan na ng male personality ang kanyang mga obligasyon.

Kuwento ng aming source na nakatira rin sa condo, “Grabe ‘yun! Napakaaga kasing sinugod si ____(pangalan ng hunk actor) ng ka-live-in niya. Natural, tahimik na tahimik pa ang paligid, kaya dinig na dinig ang mga pagsisigawan nila.

“E, Inglesera ang sexy star, nakipagtagisan din sa English ang mommy ng mga anak ni hunk actor! Parang pelikula nga, e. Habang nagtatalakan ang dalawang babae, walang magawa si lalaki kundi ang umawat lang, pero siya ang napuruhan!

“Sinasapak-sapak siya ng ka-live-in niya, hindi niya naman magawang saktan ang girl, tanggap lang siya nang tanggap sa sapok at sampal ng babae!

“Palaban din ang sexy star! Puro mura ang sinasabi niya, pero in fairness, bagong gising lang siya, pero ang ganda-ganda pa rin niya,” natatawang pag-alala ng miron.

Matagal nang hindi aktibo sa showbiz ang sexy star, bumalik na siya sa bansang kinalakihan niya, nag-aral na lang dahil nangulimlim na ang kanyang career dito. Pagsasarado ng source sa kuwento,

“Feeling siguro nu’ng hunk actor habang nag-aaway ang dalawang babae sa buhay niya, e, super-Dakota Harrison siya! Hindi naman totoo ‘yun! ‘Di ba’t ipinagbubuyangyangan na nga ng isang ex niya na hindi naman totoo ang title na ibinigay nu’n sa kanya!”

Ubos!

Kahit patuloy na winawasak sa diskwalipikasyon Sen. Grace patuloy ang pag-iikot sa buong bansa

Hindi lang malamig, malungkot ang Pasko ng mga tagasuporta ni Senadora Grace Poe, dahil nagbaba na ng desisyon ang COMELEC tungkol sa kanyang pagtakbo sa panguluhan.

Hindi pa naman inaaksiyunan ang pagtatanggal sa kanyang pangalan sa balota pero sa opisyal na pahayag ng COMELEC ay diskuwalipikado na siyang tumakbo sa pinakamataas na upuan sa ating pamahalaan.                                                                                                                                         

May limang araw na ibinigay sa kampo ng senadora para idulog ang kanyang kaso sa Supreme Court, ‘yun na lang ang tanging paraang magagawa nila, kinakambalan ng panalangin ng mga tagasuporta ni SGP ang pagdadaanan niyang proseso.

Butas ng karayom ang pinagdadaanan ngayon ng kandidatura ni Senadora Grace Poe. Lahat ay nakaabang sa magiging resulta ng kanyang apela sa Supreme Court. Maraming umaasa na isang positibong pananaw ang paiiralin ng mga hahawak sa kanyang apela.

Sa kabila ng lahat ay patuloy pa rin sa pag-iikot sa buong bansa ang senadora. Harinawang maduplika ang resulta ng apela nu’n ng kanyang amang si FPJ sa SC nang harangin ng mga kalaban ang pagtakbo nito sa pagkapangulo.

Magluluksa ang mundo ng pulitika kapag hindi nakatakbo si Senadora Grace Poe. Kuha niya ang puso ng ating mga kababayan.

Gustong makita ng mga Pilipino ang isang bagong umagang darating na siya ang namumuno.

Matibay ang paninindigan ng aming mga nakakausap. Kapag hinarangan ang kandidatura ni Senadora Grace ay babakantehin nila ang espasyo para sa pangulo.

ACIRC

ALIGN

ANG

HINDI

KANYANG

LEFT

MGA

NBSP

NIYA

QUOT

SENADORA GRACE POE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with