Pia Wurtzbach pressured!

Palakpalak din natin si Pia Wurtzbach sa Miss Universe pageant. Hindi madali ang ginagawa niya. Pressured siya, I’m sure dahil may mga nauna nang Pinay na nanalo sa mga sinabakan nilang international beauty pageant.

Let’s just wish her luck.

Jadine nakauna na sa Valentine

Bentahe ng gaganaping Valentine concert ng JaDine ay talagang kumakanta sina James Reid at Nadine Lustre.

Kaya this early, sold out na ang ticket nila sa Araneta Coliseum. Pagagandahin naman siguro at pakikiligin ng dalawa ang lahat ng manonood sa kanila.

Pang-iismol ng netizens nakatulong kay Alma

Sino’ng nagsabi na pawang kanegahan ang nakamit ni Alma Moreno sa pagpapa-interview niya kay Karen Davila? Umangat pa nga siya sa listahan ng mga senatoriable.

Ang Pinoy kasi, mas ginagamit ang puso kaysa isip. Nakikisimpatiya sila sa itinuturing nilang pang-iismol sa aktres.

Show comments