^

PSN Showbiz

Alden long hair; Maine nag-sorry at niyakap si Julie Anne!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Naka-private na ang IG account ni director Rich Ilustre, director ng Sunday PinaSaya para makaiwas sa bashing ng ilang AlDub Nation fans nina Alden Richards at Maine Mendoza. Nabanggit ni direk Rich sa isang reporter friend na na-super bash siya na ngayon lang niya naranasan.

Pero dahil umapir sina Alden, Maine, at Julie Anne sa episode last Sunday, ibig sabihin ay okey na ang lahat at tinanggap ng tatlo ang apology ni direk Rich. Kaya sana, mag-move on na ang lahat pati ang fans ng dalawang kampo.

Samantala, tuluy-tuloy ang awards kina Alden at Maine at ang pinaka-latest ay bigay ng People Asia. Sila ang napiling People Asia 2015 People of the Year at sila rin ang cover ng December issue nito.

Kinukumpirma pala namin ang tsikang nagkita sina Maine at Julie Anne sa SPS kahapon. Nag-sorry daw si Maine kay Julie Anne sa pamba-bash sa kanya ng fans at nagyakapan ang dalawa. Naiyak pa nga raw si Julie Anne.

Si Gladys Guevara ang isa sa nakasaksi sa pagyayakapan nina Maine at Julie Anne. Nag-tweet ito ng “Clueless ako, i swear. So niice of @mainedcm napaka-humble, i just saw her hugging @MyJaps. Apologizing si Yaya Dub. Ano meron???”

Sa mga nag-request na sana ay may picture ang dalawa na nag-uusap o nagyayakapan, ang sagot ni Gladys, “I don’t think it’s necessary. Mas sincere ‘yung nasaksihan ko. Walang photo op.”

Sana, umpisa na ito ng pagiging friends nina Maine at Julie Anne at ma­ging signal na rin para magkaayos na rin sina Alden at Julie Anne.

Albert umaming mag-aasawa uli

“My saddest Christmas ever” ang tawag ni Albert Martinez sa darating na Pasko dahil wala na ang asawang si Liezl Martinez. Noong buhay pa ang asawa, siya ang abala sa lahat pero ngayon, siya na ang maghahanda katulong ang mga anak.

Tuloy pa rin ang practice nina Albert noong buhay pa si Liezl na sa Noche Buena, sa bahay nina Tony Cojuangco at Gretchen Barretto sila nagsi-celebrate. Sa Christmas dinner naman, sama-sama silang mag-aama.

Madalang makasama ni Albert ang mga anak na sina Alyanna at Alfonso dahil wala na sa poder niya ang mga ito. Si Alyanna ay may sariling condo na at si Alfonso ay sa New Manila house ni Amalia Fuentes nakatira. Sila na lang ng bunsong si Alyssa ang nasa bahay nila at mga aso, kabilang ang aso ni Liezl.

Hindi isinasara ni Albert na puwede siyang ma-in love at mag-asawa uli, pero mga two to three years pa raw ito at bago siya mag-asawa, iisipin muna niya ang reaction ng mga anak. Selosa raw ang mga anak niya lalo na ang bunso na lagi siyang tsini-tsek.

Samantala, gusto ring gumawa ng biopic ng mga bayani o president ng bansa si Albert. Si Pres. Manuel L. Quezon ang gusto niyang gawan nito.

Dennis at Jennylyn nang-eeklay lang

Kahit nag-unfollow na sa isa’t isa sa Instagram (IG) ay friends at sweet pa rin sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo. In fact, vinyl ng 25 album ni Adele ang pasalubong ni Dennis kay Jennylyn after his trip abroad.

Pinost ni Jennylyn sa IG ang album at pinasa­lamatan si Dennis na kinakiligan ng DenJen fans. “Papaw” pa rin ang tawag ni Jennylyn sa aktor. “Papaw” at “Mamaw” ang terms of endearment ng dalawa sa My Faithful Husband at kahit matagal nang tapos ang teleserye, dala-dala pa rin nila ang tawagang ‘yun.

Anyway, tuluy-tuloy ang mall tour ng cast ng Walang Forever, pero nag­re­reklamo ang fans dahil hindi sabay sina Jennylyn at Jericho Rosales sa mga nauna nilang mall tour.

Kasama ang Buy Now, Die La­ter, dark horse ang Walang Forever, pero dahil parehong maganda ang mga pelikula ng Quantum Films at first team-up nina Jericho at Jennylyn, hindi nakagugulat kung magbigay ito ng big surprise.

ACIRC

ALBERT MARTINEZ

ALDEN RICHARDS

AMALIA FUENTES

ANG

JENNYLYN

JULIE ANNE

MGA

NBSP

PEOPLE ASIA

WALANG FOREVER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with