^

PSN Showbiz

Enrique ligwak na Liza may bago nang ka-loveteam! Marian ayaw kumuha ng yaya

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Sa mga senatoriables na humarap sa movie press, tanging ang dating MMDA Chairman Francis Tolentino ang may malinaw na platform para sa movie industry.

Sa loob ng limang taong paghawak niya sa taunang Metro Manila Film Festival alam niya kung ano talaga ang problema ng movie industry.

Imumungkahi raw ng dating MMDA Chairman na makakakuha ng tax incentives ang ating mga filmmaker.

Dagdag pa nito, sisikapin daw niyang makakuha tayo ng suportang teknikal, tulong sa promotion at mas pinalakas na anti-piracy laws. Pati raw sana ang pamilya ng mga taga-movie industry ay mabiyayaan din ng health at medical support.

PAK: May lumabas sa Twitter account ni Liza Soberano na paalis siya patungong Italy.

Napag-alamang magti-taping doon ang Kapamilya young actress para sa isang teleserye. Totoo bang isang singer/actor ang makakatambal niya? Paano si Enrique Gil? Hindi raw ba kasali si Enrique sa seryeng ito?

Nakausap namin ang singer/actor na makakasama ni Liza, huwag daw muna namin sabihin na siya ang makaka-partner ni Liza. Dapat manggagaling daw sa ABS-CBN 2 ang announcement.

BOOM: Talagang ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang nagbabantay sa anak nilang si Baby Maria Letizia.

Wala raw silang balak na kumuha ng yaya. “May tumutulong lang, pero kami talaga ang nagbabantay at nag-aalaga sa kanya.”

Schedule nga raw sila ni Marian sa pag-aalaga lalo na’t kung walang trabaho ang GMA Primetime King.

Nakatoka raw kay Dingdong ang madaling araw dahil kailangan naman magpahinga ni Marian.

Kaya kung anu-ano raw ang ginagawa ni Dingdong kapag nagbabantay siya para hindi siya antukin.

May ipinost nga siya sa Instagram account niyang naglalaro siya ng Hoover board niya habang nagbabantay para hindi siya makatulog.

Sabi ni Dingdong, baka kukuha rin daw sila ng yaya kapag medyo lumalaki na si Baby Maria Letizia. Pero ang gusto raw nila ni Marian, na hands-on sila sa pag-aalaga at pagpapalaki sa kanilang baby.

ANG

BABY MARIA LETIZIA

DINGDONG DANTES

ENRIQUE GIL

FRANCIS TOLENTINO

LIZA SOBERANO

MARIA LETIZIA

MARIAN RIVERA

METRO MANILA FILM FESTIVAL

RAW

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with