Sue Ramirez hindi makapaniwala sa nangyari sa kanila ni Daniel
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - December 8, 2015 - 9:00am

Nakikilala na ngayon ang karakter ni Sue Ramirez bilang si Ligaya sa teleseryeng Pangako Sa ‘Yo na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Nagpapasalamat ang aktres sa lahat ng patuloy na sumusubaybay sa kwento ng kanilang programa. “Sobrang thankful po ako and honored po ako na makapasok sa show. Kahit before pa naman ako pumasok sa show, malaking hit na po talaga siya, and I am thankful po na maraming sumuporta sa character ko,” bungad ni Sue.

Nakararanas ng pamba-bash online ang dalaga dahil siya ang nagsisilbing third party sa pagitan nina Yna (Kathryn) at Angelo (Daniel) sa nasabing serye. Kahit maraming nagagalit ay mayroon din naman daw mga natutuwa sa role ni Sue. “Though marami rin akong bashers siyempre, pero ang dami rin po talagang nagustuhan si Ligaya. So thankful po ako sa kanila,” dagdag ng aktres.

Maging si Sue ay hindi rin makapaniwala na papatok ang kanilang tambalan ni Daniel sa kanilang serye. “Hindi ko po in-expect dahil hindi naman kami nag-go see together. Kumbaga salang na lang ako bigla. Nagulat na lang ako na marami pong nagsasabing meron. Medyo may chemistry daw kami. I’m surprised po but I’m happy na nag-work. Marami pa pong aabangan,” kwento ng dalaga.

Dingdong mas gustong kasama ang anak

Magtatapos na ang termino ni Dingdong Avanzado bilang Vice Governor ng Siquijor sa June 2016. Hindi na raw muling kakandidato ang actor-politician sa nalalapit na eleksyon. “Kasi sa totoo lang very private kami pagdating sa buhay namin. Gusto namin ‘yung we spend more time together. Siyempre no’ng naging public official ako, I was taken away from that. ‘Yung pagi­ging private namin talagang naging more public and I kept traveling. I kept going back and forth to Siquijor. So siguro after three years nagawa ko naman ‘yung gusto ko gawin for Siquijor for now, ‘yung makilala ang Siquijor na hindi lang ‘yung dating image ng Siquijor. So I want to move on to other things for now especially now that our daughter is growing up, gusto ko mag-focus on that. Especially itong pasok ng new chapter sa buhay ng anak namin,” paliwanag ni Dingdong.

ACIRC AKO ANG DANIEL PADILLA DINGDONG AVANZADO KAHIT KATHRYN BERNARDO LIGAYA NBSP PANGAKO SA SIQUIJOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with