^

PSN Showbiz

Carla at Gabby, magkasamang natulog!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kausap ni Veronica (Valerie Concepcion) ang kabit na si Henry (Carlo Gonzales) sa cellphone nang nasa likuran na pala si Feliza (Celia Rodriguez). Kausap daw ba ni Veronica ang kabit nito?

Impressed ang mga friends na sina Melby and Rebecca (Iya Villania) kay Andrea (Carla Abellana) dahil nakasakay ito sa limo with Jaime (Gabby Concepcion).

Dahil sa away nila ni Feliza, lalayas na si Veronica at ayaw itong payagan ni Jaime. Nataranta ang mga katulong kung isasakay ba o hindi ang mga suitcases ni Veronica sa car, kung susundin ba si Veronica o Jaime.

Tuluyan nang umalis si Veronica.

Excited na pinalantsa ni Andrea ang suit-jacket ni Jaime. Pinabanguhan pa. And then isinuot uli at niyakap ang sarili.

Breakfast in bed sina Veronica and Henry nang kumakatok na si Jaime calling out for Veronica sa condo nito na pag-aari ni Jaime.

Mainit ang ulo ni Jaime, isinosoli ni Andrea ang suit-jacket nang nasigawan lang siya. Pahiya si Andrea.

Pinagtawanan ni Patricia (Bettina Carlos) si Andrea, feeling close daw kasi kay Jaime kaya hayan… napahiya lang.

Magpapaalam sana si Andrea kay Jaime sa opisina nito nang nakitang lasing pala ang boss.

Mapagkakamalan siyang si Veronica at hahalikan.

Nagising na si Jaime, nakita si Andrea na nakatulog sa pagbabantay sa kanya sa opisina dahil lasing siya. Awkward moment. Pero nag-thank you naman si Jaime kay Andrea.

Sinusumbatan ni Cheska si Jaime, bakit daw sila iniwan ng Mommy nila? Ano ang nangyari o ginawa ni Jaime?

Nag-suggest si Dennis kay Jaime. Pagselosin daw si Veronica para bumalik ito sa kanya.

Nasa mamahaling bar or club sina Andrea and friends. Medyo lasing na si Andrea and she bumped into Oliver (Rafael Rosell) and Elvira. Para hindi siya mukhang alone na kawawa, itinuro ni Andrea ang isang guy (Betong) kina Oliver and Elvira. Ito raw ang boyfriend niya.

 

ANDREA

ANG

BETTINA CARLOS

CARLA ABELLANA

CARLO GONZALES

CELIA RODRIGUEZ

FELIZA

GABBY CONCEPCION

IYA VILLANIA

JAIME

VERONICA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with