^

Aiko pinag-aralan ang pagiging mommy kay Kim!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2015 - 9:00am

Muling mapapanood si Aiko Melendez sa isang teleserye sa Kapamilya network. Kasama ang aktres sa Story of Us na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Xian Lim. “I’m a fan of Kim Chiu so it’s a dream come true to work with her. I’m really excited about this project. I’m the step mom of Kim Chiu and ‘yun, mag-start ‘yung story namin sa isang island,” bungad ni Aiko.

Ayon sa aktres ay pinaghahandaan niya ang bawat role na kanyang ginagawa lalo pa’t ilang dekada na rin siya sa industriya. “I need to keep on watching mga Hollywood mo­vies, mga indie movies. Para I’ll keep updated kung ano ‘yung magagandang pelikula and from there, doon ako kumukuha ng mga tips,” giit ni Aiko.

Samantala, sa December 16 ay magdiriwang ng kanyang ika-40 kaarawan ang aktres. Gusto raw ni Aiko na pagsabayin na ang pagdiriwang ng Pasko at ng kanyang kaarawan. “Since ‘yung birthday ko near sa Christmas, mag-40 na ako this simbang gabi. So pag-iisahin ko na lang ‘yung celebration ng Christmas at birthday ko. Medyo nagbi-birthday blues ako lately pero sabi nga nila age is just a number. Ang importante di naman ako mukhang 40, mukha naman akong 39,”pabirong pagtatapos ng aktres.

Jerome mas gusto na si Julia kesa kay Janella

Mukhang malabo na raw na muling magkatambal sina Jerome Ponce at Janella Salvador sa mga proyekto. Sa susunod na taon ay si Elmo Magalona na ang makakatambal ng aktres sa teleseryeng Born For You ng ABS-CBN. “Nasabi naman sa akin ni Janella ‘yung tungkol do’n at naintindihan ko naman ‘yon. Wala naman talagang pwedeng permanente ‘di ba? Saka ‘yung sa amin, sa movie pa lang naman kami talagang nagsama bilang magka-love team. Kaya hindi pa rin masyadong established ‘yung sa amin. I wish her all the best,” pahayag ni Jerome.

Pinapangarap daw ng aktor na makasama sa isang proyekto si Julia Barretto. “Gusto ko siyang makatrabaho. ‘Yon ay kung mabibigyan ng chance. Wala naman pong problema sa akin kung sino ang ibigay na ka-partner ko, tatanggapin ko,” pagtatapat ni Jerome.

Samantala, nagbabalak na rin ang binata na bumili ng sariling bahay kung magtutuluy-tuloy ang kanyang trabaho. “’Yon ang next kong target, bumili ng bahay. Kasi, sabi ko nga, tapos ko nang bayaran ‘yung Fortuner ko. Three years ko ring hinulugan ‘yon. So kung magtatagal pa ako dito sa showbiz industry, kung mabibigyan pa ng maraming trabaho, gusto ko talagang makabili ng bahay,” pagbabahagi ni Jerome.

 

ACIRC AIKO AIKO MELENDEZ ANG BORN FOR YOU ELMO MAGALONA JANELLA JEROME KIM CHIU NBSP YUNG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with