Kaya pati si P-Noy idinadamay Pia trying hard na pag-usapan?!
(Pilipino Star Ngayon) - November 29, 2015 - 9:00am

SEEN: Ang clarification ni Bb. Pilipinas-Universe 2015 Pia Wurtzbach na hindi nanggaling kay P-Noy ang mga bulaklak na natanggap niya kahit siya mismo ang nagkuwento at maraming nakapanood. Hindi makakatulong kay Pia ang isyu kaya hindi na niya dapat idinadamay at binabanggit sa mga isyu si P-Noy. #SuperTryingHard.

SCENE: Kung may Bryan White kahapon ang Sunday PinaSaya, may Rick Astley ang ASAP. Ngayong gabi ang concert ni Astley sa The Theater at bukas ang concert ni White sa Smart Araneta Coliseum.

SEEN: Parehong off-key sina Alden Richards at Bryan White nang hingan sila ng sample na kantahin ang God Gave Me You. Si Bryan ang original singer ng God Gave Me You.

SCENE: Pinanood at si­nuportahan ni Sarah Geronimo ang first major concert ng kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli sa Music Museum noong Sabado. Special guest ni Matteo si Martin Nievera at kinanta nila ang walang kamatayan at favorite song ni Matteo na Corner of the Sky.

SEEN: Kasabay ng concert ni Matteo Guidicelli ang 10th anniversary concert ni Sam Milby sa Kia Theater. Si Anne Curtis ang special guest ni Sam at inawit nila ang sintunadong version ng Hello, ang bagong single ni Adele.

SCENE: Ngayong gabi ang pilot telecast ng Because of You ng GMA 7. Lead stars ng Because of You sina Carla Abellana, Rafael Rosell, at Gabby Concepcion.

SEEN: Back to her old self si Barbie Forteza sa Sunday PinaSaya dahil hindi na naman niya mapigilan ang pagtili at ang kanyang mga kakikayan.

SCENE: Hindi mag-aartista ang anak ni AiAi delas Alas na si Sophia. Pinagbigyan lamang niya ang request ng kanyang ina na mag-perform sa For The Love of Mama, ang benefit concert para sa pagpapatayo ng simbahan ng Kristong Hari.

ALDEN RICHARDS ANG BARBIE FORTEZA BECAUSE OF YOU BRYAN WHITE CARLA ABELLANA CORNER OF THE SKY FOR THE LOVE OF MAMA GOD GAVE ME YOU MATTEO GUIDICELLI STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with