^

Marian at Dingdong, doble-doble ang selebrasyon sa Pasko

RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - November 24, 2015 - 9:00am

Lumabas na rin ang pinakahihintay-hintay na “bundle of joy” ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Maria Le­tizia (Zia) nung Lunes ng umaga sa pamamagitan ng normal delivery sa Makati Me­dical Center.

Na-witness ni Dingdong ang paglabas ni Baby Zia at kung paano nahirapan ang kan­yang misis na isilang ang ka­­nilang panganay na anak.

Masaya si Dingdong na normal ang delivery ni Ma­rian at malusong na isinilang si Baby Zia.

Bale advance Christmas gift ng mag-asawa ang paglabas ni Baby Zia kaya magiging masaya ang kanilang first Christmas bilang couple.  Magsi-celebrate rin ang mag-asawa ng kanilang 1st wedding anniversary on December 30 na meron na silang karagdagan sa kanilang pamilya.

Juday susunod na…

In three weeks’ time ay nakatakda namang magsilang si Judy Ann Santos sa kanilang bagong baby ng mister niyang si Ryan Agoncillo.

Baby girl din ang isisilang ni Juday na may pa­ngalang Juana Luisa na may palayaw na Luna.

Carla at Rafael, malabong magkarelasyon

Malabong ma-link romantically sina Carla Abellana at Rafael Rosell na magkasama sa bagong TV series ng GMA 7, ang Because of You kung saan din nila kasama si Gabby Concepcion.

Bukod sa may non-showbiz GF si Rafael, si Carla naman ay nali-link ngayon kay Tom Rodriguez na kasamahan din ni Rafael sa management ni Popoy Caritativo.

Heart ayaw maging tsismosa

Ngayong magtatapos na ang Beautiful Strangers na pinagsasamahan ng may isyung sina Lovi Poe at Rocco Nacino with Heart Evangelista, matutuloy na ang pag-alis ni Lovi with her mom na si Rowena Moran for a planned European vacation trip.

Napag-alaman nga pala namin na magkakasama pa rin sina Lovi at Rocco sa pelikulang Lakambini.  Hindi naman kaya mahirapan ang dalawa to act out their respective roles ngayong may problema sa kanilang pagitan?

Ayaw namang mag-comment ang best friend ni Lovi na si Heart tungkol sa dalawa.  Tahimik lang din si Heart dahil ayaw niyang sa kanya magmula ang pinagdaraanang problema ngayon ng dalawa.

Chiz naimpluwensiyahan na rin ni Heart sa pagpipinta

Speaking of Heart,  sinamantala pala ni Heart ang pagkakataon upang makapag-bonding sila ng asawang si Sen. Chiz Escudero ang nakaraang APEC Summit.

Sinamahan ng bida ng Beautiful Strangers ang asawa  sa Laoag City nang dumalaw ang senador sa lamay ng anak ni Ilocos Norte Congressman Rudy Fariñas na nasawi noong Linggo sa isang aksidente sa motorsiklo.

Wala raw taping si Heart dahil sarado ang ilang mga kalsada sa Kamaynilaan para sa pagdaraos ng pulong nga mga lider ng iba’t ibang bansa sa daigdig sa ilalim ng APEC.

Sabi ni Chiz, sasamantalahin din nila ng kaniyang misis ang maikling bakasyon para sa kanilang hobby na pagpipinta.

Ani Chiz, ang nagsisilbi nilang bonding na mag-asawa kahit aminado siyang wala siyang masyadong alam sa  ganitong uri ng sining di gaya ni Heart.

Ang solusyon, puro abstract na lang daw ang tema ng painting niya, biro ng senador.

ACIRC ANG ANI CHIZ BABY ZIA BEAUTIFUL STRANGERS BECAUSE OF YOU CARLA HEART LOVI RAFAEL STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with