‘Di ang kumareng si Kris... Bonggang birthday ni Karla, si Tates ‘Bautista’ ang kasama; Angeline Quinto hindi nag-effort magpalit ng outfit kahit half-mil
(Pilipino Star Ngayon) - November 24, 2015 - 9:00am

SEEN: Ang bonggang 39th birthday party ni Karla Estrada na dinaluhan ni Korina Sanchez na nag-post ng litrato na kasama si Tates Gana na pinangalanan niya na Tates Bautista. Si Gana ang ina ng mga anak ni Quezon City Mayor Herbert Bautista pero hindi sila kasal. Si Tates ang matalik na kaibigan ni Karla, hindi ang kumare nito na si Kris Aquino.

SCENE: Nag-ikot sa magagandang lugar sa Pilipinas at nag-check in sa mga sosyal na hotel ang APEC delegates, kasama ang selected employees ng Malacañang Palace.

SEEN: Dapat mag-isip ng ibang title para kay Pokwang dahil mali na tawagin siya na New Comedy Queen dahil kahit ano ang gawin nila, si AiAi delas Alas pa rin ang kinikilala na Comedy Queen.

SCENE: Kalahating milyong piso ang ibinayad kay Angeline Quinto para sa apat na kanta sa isang event na dinaluhan niya. Hindi nag-effort si Angeline na magpalit ng damit sa pangalawang salang sa kanya kahit malaki ang talent fee niya.

SEEN: Si Piolo Pascual ang escort ni Charo Santos-Concio sa 43rd International Emmy Awards sa New York City. Si Concio ang chairperson ng Gala Night ng International Emmy Awards.

SCENE: Napaluha si Gladys Reyes nang mapanood niya ang A Second Chance sa review ng MTRCB sa pelikula nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na magbubukas ngayon sa mga sinehan. MTRCB member si Gladys.

SEEN: Dapat imbitahan ni Karen Davila si Edu Manzano sa kanyang programa sa ANC dahil may intelligent answer ang aktor tungkol sa isyu ng BBL, reproductive health at same-sex marriage.

A SECOND CHANCE ANG ANGELINE QUINTO BEA ALONZO CHARO SANTOS-CONCIO COMEDY QUEEN DAPAT EDU MANZANO GALA NIGHT INTERNATIONAL EMMY AWARDS STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with