Iza walang hilig sa ahas!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - November 23, 2015 - 9:00am

Sa ngayon ay wala pa ring kumpirmado kung sino ang papalit kay Angel Locsin upang gumanap na bagong Darna sa pelikula.

May bulung-bulungan na interesado diumano si Iza Calzado na gumanap bilang ang kontrabida ni Darna na si Valentina. “Naku! ‘Wag na lang ako kasi hindi ako gano’n ka-fond sa mga ahas. Medyo hindi ko sila gusto at baka ‘di ko magampanan nang maayos,” paglilinaw ni Iza.

Naranasan na ng aktres kung ano ang pinagdadaanan sa paggawa ng isang fantaserye noon sa GMA tulad ng pagkakabit ng harness at pagkakaroon ng makapal na makeup. Mas gusto na lamang daw ipagpatuloy ni Iza ang paggawa ng mga drama ang tema. “Mas pipiliin ko na ngayon ‘yung straight acting na magbibigay ng challenge sa akin. I want to do straight drama, ‘yung more character intensive. Hindi ko talaga gusto ang snakes. Dapat siguro may certain affinity ka sa snakes, pero hindi ako,” giit pa ng aktres.

Tatlong pelikula ang tinatapos ni Iza ngayon. Dalawa dito ay independent film at ang isa naman ay ang Haunted Mansion na kalahok sa Metro Manila Film Festival sa susunod na buwan.

Jason pressured sa Be My Lady ni Martin

Malapit nang mapanood sa Kapamilya network ang teleseryeng Be My Lady na pinagbibidahan ng magkasintahang sina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga. Si Jason Dy ang napiling kumanta ng theme song para sa bagong soap opera. “It’s a new take on the Martin Nievera classic Be My Lady. So sobrang nakaka-pressure din kasi after Martin Nievera, ako ‘yung version so I have to do my best pero I say hindi ko naman matatapatan ‘yung version ni sir Martin. Kasi ‘yon na ‘yun eh but I hope people will also like what I did on the song,” nakangiting pahayag ni Jason.

Isang malaking karangalan para sa The Voice season 2 winner ang mapili upang kumanta para sa serye. “It’s a huge honor and a huge compliment as well kasi it’s a privilege eh. Sa rami ng singers dito sa industry natin, ako napili na kumanta ng isang iconic na song. So super humbling and I’m very excited for people to hear and see the teleserye,” pagtatapat ni Jason.

Masayang-masaya ang binata dahil unti-unti nang natutupad ang kanyang mga pangarap. “Maraming doors ang nag-open, maraming opportunities ang dumating. I get to do what I want to do and I get to make people happy and inspire people with my music. ‘Yon ‘yung malaking nagbago,” pagbabahagi ni Jason. “I’m also very thankful with the amount of support that I’ve been getting, napaka-solid ng mga fans ko. So siguro I get it from them and also from friends, family, siguro ‘yon ‘yun and the mixture of hardwork and dedication,” dagdag pa niya.

ACIRC ANG ANGEL LOCSIN BE MY LADY BE MY LADY. SO DANIEL MATSUNAGA DARNA ERICH GONZALES HAUNTED MANSION IZA MARTIN NIEVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with