Apo ni Mother Lily pinaluha si Lolit Solis Jennylyn after through lang sa X-mas station ID ng GMA
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - November 14, 2015 - 9:00am

PIK: Hindi napigilan ni Manay Lolit Solis na maluha nang makita ang apo ni Mother Lily Monteverde na si Keith Theo sa Boracay nung kamakalawa ng gabi.

Ikinasal si Keith ang panganay na anak ni Roselle Monteverde at parang apo na rin ang turing ni Manay Lolit dahil lumaki ito sa kanila. Ipinakilala ni Keith si Manay Lolit kay Winni Wang, ang Taiwanese girlfriend na pinakasalan nito sa Boracay kahapon ng hapon. Naalala pa ni Keith na kasa-kasama raw niya si Manay Lolit na nagbi-breakfast noon. Niyakap ni Manay Lolit si Keith at naluha ito dahil masayang-masaya siya sa na-achieve ni Keith na isa nang abugado sa Amerika.

Ilan sa mga taga-showbiz na tumayong ninong at ninang sa kasal nina Keith at Winni kahapon ay si Gov. Vilma Santos, Mr. Tony Tuviera, Dondon Monteverde, Direk Chito Roño, Direk Joey Reyes, Ms. Cory Vidanes.

Ninang din si Mrs. Charo Santos Concio, pero hindi ito nakarating dahil isa siya sa panel of judges ng Emmy Awards.

PAK: Ang isa pala na wala rin sa Christmas station ID ng GMA 7 ay si Jennylyn Mercado.

Hinabol din ang Kapuso actress sa naturang station ID, dahil nakunan na siya nung kamakalawa lang pagkatapos ng live episode ng Starstruck 6.

Sobrang puno na kasi ang schedule ni Jennylyn, kaya hindi nagkaroon ng pagkakataong makunan siya.

Ang isa pa ngang pinakiusapan nilang ihabol sa Christmas station ID ay si Manay Lolit Solis, pero nasa Boracay nga ito at kahit nandiyan daw siya ay hindi pa rin siya magpapakuha dahil wala siyang kahilig-hilig na magpakuha sa Christmas o kahit sa Summer na station ID.

BOOM: Nilinaw ni Paolo Contis na wala silang isyu ng dating asawang si Lian Paz kahit halos based na ito sa Cebu kasama ang dalawa nilang anak.

Matagal na raw silang ‘di nag-uusap ni Lian, pero nakakausap naman daw niya ang mga anak nilang dalawa. Pagdating sa annulment ay walang sagot si Paolo.

Mas gusto na lang daw niyang huwag nang pag-usapan ang tungkol sa personal na isyu niya dahil wala naman daw siyang ka-loveteam at wala naman daw siyang kailangang ipaliwanag pa.

Natatanong lang siya tungkol dito dahil nagpu-promote ito ng Angela Markado movie na pagbibidahan ni Andi Eigenmann.

Naungkat uli ang tungkol sa kanila ni LJ Reyes, pero hindi na raw niya idedetalye kung ano ang namamagitan sa kanilang dalawa. Ang mahalaga ay masaya raw silang dalawa.

“I don’t owe anyone explanation kapag nakita akong may ibang kasama. Ang personal ko, personal ko. Hindi naman ikagaganda ng Bubble Gang kung sasagutin ko ang tanong ng mga tao ‘di ba?

“Rapist naman ako dito sa Angela Markado, ano ang maitutulong,” deretsong pahayag ni Paolo sa isang interview.

ANDI EIGENMANN ANG ANGELA MARKADO BORACAY BUBBLE GANG DAHIL DIREK CHITO RO DIREK JOEY REYES KEITH MANAY LOLIT MANAY LOLIT SOLIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with