Eddie ayaw tumigil sa kakatrabaho
Eddie ayaw tumigil sa kakatrabaho
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - November 11, 2015 - 9:00am

Isa si Eddie Garcia sa mga rason kung bakit honored, challenged, at pressured ang ibang cast ng Little Nanay. Iba raw ang pakiramdam kung isang icon gaya ni Eddie ang kasama sa trabaho, nahihiya silang magkamali lalo na kung kaeksena ito.

Reunion nina Eddie at Nora Aunor ang Little Nanay, the last time nagkatrabaho sila ay noong 1996 pa sa pelikulang Bakit May Kahapon Pa. Mag-balae ang role nila sa primetime teleserye ng GMA 7 na magpa-pilot sa November 16.

Reunion din nila ang Little Nanay ni Sunshine Dizon na una niyang nakasama sa teleseryeng Kung Mawawala Ka na tumakbo mula April 2002-June 2003 o 60 weeks. Mag-ama uli ang role nila sa bagong teleserye.

“You have to work to make a living,” ang sagot ni Eddie kung bakit patuloy siyang nagtatrabaho at naiinip siya kung wala siyang ginagawa. Hindi namimili ng role si Eddie, at home siya kahit ano’ng role ang ibigay at excited siya bilang Don Miguel Vallejo, lolo ni Tinay sa Little Nanay.

Bianca Gonzales dumipensa sa pakikisawsaw

Kabilang din sina Claudine Barretto, Mark Bautista, Bianca Gonzales, Alex Gonzaga, James Reid, Nadine Lustre, at Bea Alonzo na sumusuporta sa #StopTheHate campaign na isinusulong ni Liz Uy after nitong mag-file ng demanda laban kay Michael Sy Lim o Fashion Pulis.

Sa mga nabanggit, si Bianca lang ang nagsa­bing biktima siya ng Fashion Pulis. “Ilang beses na nag-imbento ng kuwento tungkol sa akin ang FP blog so hindi na bago sa akin ‘yan. Alamin mo muna sinasabi mo bago ka humirit ng pa-cool.” Sagot niya ito sa isang basher na naki-ride on lang siya sa ibang celebrities na sumusuporta sa ipinaglalaban ni Liz Uy.

Yassi at Andre magkaiba ng paniniwala sa mga aswang

Napanood namin ang video ng cast ng Wang Fam nang bumisita sila sa Enchanted Kingdom at kitang masaya ang lahat.

Naniniwala sa aswang si Yassi Pressman pero ang ka-love team niyang si Andre Paras ay hindi naniniwala sa mga ito. Wala pa raw siyang nakikita at nararamdaman at ang pinaniniwalaan ay ang “forever.”

Isa pang naniniwala sa aswang si Alonzo Muhlach dahil nakikita niya sa TV na kinakain ang mga tao. Napansin pala naming ang laki na ng improvement sa pagta-Tagalog ni Alonzo. Noong nagsisimula pa lang ito, Inglesero at kinakailangang i-translate muna sa English ang dialogue niya para maintindihan, pero hirap pa ring i-deliver.

Showing sa November 18, ang Wang Fam, ang horror-comedy movie ng Viva Films sa direction ni Wenn Deramas.

Anthony Taberna walang kinikilingang network

Ang gandang bisitahin ang Instagram (IG) ni Anthony Taberna dahil kahit Kapamilya siya, puwede rin sa mga Kapatid ng TV5 at Kapuso ng GMA 7 ang kanyang mga post. Libre niyang nababanggit ang talents ng TV5 at GMA 7 at may picture pa. Nakita namin ang picture nila ni Joey de Leon na idol pala niya.

Bukod sa kanyang pamilya, ang business nila ng misis niyang si Rossel na Ka Tunying’s Cafe ang bida sa kanyang IG. Ang daming litrato kuha sa cafe at pati diners ay umeksena rin. Ang dami pala talagang kumakain dito.

Nagkaroon ng food tasting at drink tasting ang entertainment press sa Ka Tunying’s Cafe at ipinatikim nina Chef Kenneth at Chef Khalil ang kanilang specialty na lahat ay aprubado ng press. Pinakagusto namin ang turmeric healthy pandesal at ang ensaymada na gawa sa kalabasa.

Sa nasabing pakikipaghuntahan sa press, ipinakilala ni Ka Tunying ang maganda niyang misis na si Rossel at mga anak na sina Zoey at Helga. Galing sa batch 3 ng StarStruck si Rossel at nag-workshop sa ABS-CBN, pero hindi itinuloy ang pag-aartista dahil masaya na siyang maybahay ni Anthony. Last November 11 ay nag-celebrate ang mag-asawa ng kanilang 10th anniversary.

Kuwento ni Anthony, in-adopt niya ang pangalan ng ama kaya naging Ka Tunying na siyang ginamit din sa business bilang tribute sa bakery ng ama sa Nueva Ecija. Matatagpuan sa #88 Visayas Avenue ang Ka Tunying’s Cafe.

ACIRC ANG ANTHONY TABERNA BIANCA GONZALES EDDIE FASHION PULIS KA TUNYING LITTLE NANAY LIZ UY MGA NBSP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with