Ken ipinatikim ang labi kay Fabio!

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - November 11, 2015 - 9:00am

Inaabangan na ang complete tranformation ng character ni Ken Chan sa Destiny Rose. Gustong malaman ng lahat kung pasado siyang babae o baka magmukhang bakla lang.

Para nga magawa pang realistic ang role niya bilang isang transgender, pumayag si Ken na magbigay ng lip service sa kapareha niyang si Fabio Ide.

Ganun? Mapanood nga!

Maine apektado rin ng ‘recycled’ gown?

Nagpasalamat nga ba si Maine Mendoza sa blogger na idinemanda ng stylist na si Liz Uy? Ibig bang sabihin ay hindi rin niya nagustuhan ang pagsusuot ng recycled gown daw sa kanya? Pero bakit hindi siya nagsasalita?

Akala tuloy ng lahat, okay lang sa kanya at wala siyang paki sa nangyari.

Dominique magpapakilala na sa buong mundo

Katulad ng maraming miyembro ng kanyang angkan, nagsisimula nang ipakilala ng anak ni Gretchen Barretto na si Dominique Cojuangco ang kanyang sarili. Magiging kinatawan ito ng bansa sa isang pagtitipon sa Paris, France na dadaluhan ng mga anak ng mayayaman sa iba’t ibang bansa.

Pinamagatang Le Bal des Debutantes, sasamahan siya ng kanyang mga magulang sa nasabing event at makakasayaw pa ng waltz ang kanyang ama. Bongga ano.

PMPC napaboran ng Kapuso

Isang pabor pala para sa PMPC ang maagang pagdaraos ng presscon ng GMA para sa Little Nanay. Nasabay ang araw ng presscon sa Star Awards for Music ng PMPC kaya para lamang maimbitahan ang maraming miyembro ng nasabing organisasyon, ginawa ang presscon sa hapon. Alam ba nila ito?

ANG DESTINY ROSE DOMINIQUE COJUANGCO FABIO IDE GRETCHEN BARRETTO KEN CHAN LITTLE NANAY LIZ UY MAINE MENDOZA PINAMAGATANG LE BAL STAR AWARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with