Pang-MMFF movie ni John Lloyd marami na ang nakapanood

Para namang makakagulo sa MMFF (Metro Manila Film Festival) 2015 ang maagang pagpapalabas ng isa sa mga entry sa festival na Honor Thy Father na nagtatampok kay John Lloyd Cruz sa direksyon ni Erik Matti. Naging opening film ito ng Cinema One Originals festival na ginaganap sa kasalukuyan.

Paano pa ito panonoorin sa Pasko kung napapanood na pala ngayon? Kinonsidera ba ito ng komite ng MMFF 2015 bago nila ito kinuhang kapalit ng hindi magawang Hermano Pule? Sa MMFF, ibabalik sa dating Conman ang titulo ng pelikula.

Amalia hindi natiis ng mga apo

Sayang at baka matagalan pa bago ma-realize at malaman ng dating movie queen na si Amalia Fuentes ang malabis na pag-aalala sa kanya ng kanyang mga apo sa unica hija niyang si Liezl Martinez na sina Alyanna, Alfonso, at Alissa dahil sa pagkaka-stroke niya habang nagbakasyon sa Korea.

Matatandaan na nagkaro’n ng samaan ng loob sa pagitan ng dating aktres at ni Liezl at nadamay pa ang buong pamilya nang mamatay ito, pero sa kabila nito ay hindi natiis ng mga anak nina Albert Martinez at Liezl na pagmalasakitan ang kanilang lola na inihihingi nila ng dasal para sa mabilis at maagang paggaling nito.

Sa kasalukuyan ay conscious naman daw ang dating aktres pero hindi raw ito puwedeng kausapin.

Miho sa PBB house muna titira habang wala pa ang bahay na napanalunan

Maswerte ang Big 4 ng PBB 737 regular and teen editions, dahil mas malaking exposure ang ibinibigay sa kanila ng Kapamilya Network. Kung dati ay ang winner lamang ang nabibigyan ng exposure matapos ang pilian, aba, ngayon ay walo-walo silang isinasama sa mga palabas kung saan ang tampok ang mga winner housemates ni Kuya.

Hindi lang sina Miho Nishida at Jimboy Martin na winners kundi maging sina Tommy, Dawn, at Roger na regular housemates at Franco, Ylona, at Bailey sa teens ang mukhang hahanapan ng projects ni Kuya. Mukhang napaka-generous ni Kuya ngayon.

Si Miho at ang anak niyang si Aimee ay papayagang sa PBB House muna manirahan habang hindi pa niya natatanggap ang bahay na napalunan niya. Ang tanong ng marami ay kung mami-maintain nina Miho at Tommy ang kanilang ligawan hanggang sa labas ng bahay ni Kuya.

Show comments