^

PSN Showbiz

Yaya Dub inuna ilang mga artista nanganganib din sa hacker na hindi happy sa nangyayari sa paligid!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Wala sa mood kahapon si Maine Mendoza sa Eat Bulaga dahil pinoproblema niya ang kanyang Twitter account na na-hacked ng isang cause oriented group na gustong iparating sa gobyerno ang kanilang mga reklamo.

Ang social media account ni Maine o Yaya Dub ang una­nimous choice ng grupo dahil sikat na sikat siya ngayon kaya madaling maipararating sa kinauukulan ang mga complaint nila.

Milyun-milyon na kasi ang followers ni Yaya Dub sa Twitter at puwedeng una lamang siya sa mga artista na bibiktimahin ng cause oriented group na hindi na happy sa pamamalakad ni P-Noy, hitsurang pitong buwan na lang ang itatagal sa puwesto ng pangu­lo. Sandali na lamang ang pitong buwan, bakit nga ba inip na inip na sila?

Warning sa mga celebrity na may milyun-mil­yong followers sa social media ang nangyari kay Yaya Dub.

Dahil hindi malayo na maging biktima rin kayo ng hacking.

Sinu-sino ba ang mga artista na sangkatutak ang followers? Nandiyan si Anne Curtis at si Kris Aquino na kapatid ni P-Noy na may malaking tsansa na ma-hacked din ang social media accounts.

Kaya sa mga artista na potential victims, magpalit na kayo ng mga password para makaiwas sa mga hacker pero hindi ito assurance na hindi magagalaw ang inyong social media accounts dahil mga expert sila sa computer.

Mabuti na lang, wala akong mga social media account or whatever. Kung meron man, fake accounts sila kaya hindi dapat seryosohin at hindi ako affected kapag naging biktima ng hacking.

Kris dapat gawing inspirasyon si Mahal

Good news para sa ma­rami ang balita na nagpa­kasal si Mahal noong Lunes, ang Araw ng mga kaluluwa.

Maingay ang pagpapa­ka­sal ni Mahal dahil sa rami ng petsa, ang All Souls Day ang napili nila ni Jobbie Herbio na araw ng kanilang civil wedding. The who si Jobbie? Siya ang “lucky guy” na nagmamay-ari ngayon ng puso ni Mahal.

Kinaiinggitan si Mahal da­hil nakahanap ito ng mhin na magmamahal sa kanya at pinakasalan siya.

Maraming babae ang nawawalan ng pag-asa na magkaroon ng lovelife pero nagbago ang pananaw nila sa buhay dahil sa pagpapakasal ni Mahal na naging legitimate misis sa edad na 40.

Isa si Kris Aquino sa mga bigo sa pakikipagrelas­yon at hanggang ngayon, hindi pa niya matagpuan si Mr. Right. Dapat maging inspirasyon ni Kris si Mahal dahil kung nakahanap ito ng partner, si Kris pa kaya na matalino, mayaman at influential?

Take note, hindi first time ni Mahal na maki­pag­relasyon dahil naranasan na niya noon na magkaroon ng mga boyfriend. ‘Yun nga lang, para siyang si Kris na hindi nagtagal ang mga dating relasyon.

 

vuukle comment

ACIRC

ALL SOULS DAY

ANG

ANNE CURTIS

DAHIL

HINDI

KRIS AQUINO

MAHAL

MGA

SHY

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with