_ngayon
^

Kahit parehong identified kay P-Noy Dingdong at Ogie kay Grace Poe raw!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - November 1, 2015 - 9:00am

PIK: Identified kay P-Noy sina Ogie Alcasid at Dingdong Dantes, pero ang naririnig namin kay Sen. Grace Poe na raw ang kanilang suporta.

Wala pa silang komento sa ngayon. Sabi ni Ding­dong, next year pa raw siya maglalabas ng statement kung kanino talaga ang suporta niya. Mukhang nakikiramdam pa sila sa ngayon. Pero nakini-kinita nang hati na rin ang suporta ng showbiz at hindi kay Sen. Poe lahat.

Nagulat nga kami nang pati si Cong. Boboy Syjuco ay meron ding taga-showbiz na sumusuporta.

Naimbitahan kami sa presscon ni Tito Boboy at maayos ang paliwanag niya kung bakit may karapatan daw siyang tumakbong pangulo ng bansa at hindi siya nuisance candidate.

PAK: Sa November 11 pa ang showing ng horror movie na Maria Labo ng baguhang artista at produ­cer na si Kate Brios, pero marami na ang naiintriga kung sino raw ba itong baguhang artista.

Magkaibigan daw sila ni Roi Vinzon na siyang nagdirek ng pelikula, pero naintriga naming baka may “something” silang dalawa. Pero tumanggi naman ang dalawa. Magkaibigan pala talaga sila kaya nakumbinsi ni Roi si Kate na mag-produce ng pelikula.

Ang latest na narinig namin ay kay Mon Confiado raw pala nali-link si Kate pero itinanggi rin nila ito. Sabi naman ni Kate, pinaghandaan na raw niya ang sarili na masangkot sa mga ganung intriga. Pinaghahandaan na rin daw niyang malait siya paglabas ng pelikula dahil bahagi na raw ‘yan ng trabaho. Pursigido na rin si Kate na magtuloy sa pag-aartista kung ano man ang magiging resulta ng Maria Labo.

BOOM: Umiiwas na raw si Louise delos Reyes na ma-bash siya kaya hindi na lang siya nagpu-post ng mga litrato nila ni Alden Richards na matagal-tagal din naman niyang naging ka-loveteam.

Minsan nga ay nakalkal pa raw ang mga matagal na niyang na-post na kuha pa sa Sunday All Stars, at inimbestigahan na raw siya ng AlDub fans.

“Yung ibang fans kasi, alam ko po sobrang protective lang sila, at naintindihan ko naman sila dahil ganun din ang ibang fans namin,” pakli ni Louise.

Sobrang proud daw si Louise sa na-achieve ni Alden.

ACIRC ALDEN RICHARDS ANG BOBOY SYJUCO DINGDONG DANTES GRACE POE KATE KATE BRIOS MAGKAIBIGAN MARIA LABO RAW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with