Amalia Fuentes inatake sa Korea, paralisado raw at ililipad ng ‘Pinas!

PIK: All out ang campaign ni Kim Chiu sa bagong endorsement niya na isang supplement na Fat Out ng ATC Healthcare na kung saan business partner din siya ng nasabing supplement.

Ang gusto kasi ng Kapamilya actress, hindi lang basta endorsement ang gagawin niya kundi may purpose.

Kagaya nitong Fat Out ng ATC Healthcare na kung saan bukod sa talent fee para sa kanya, meron ding percentage si Kim sa lahat na binebenta ng Fat Out. Ang percentage na mapupunta kay Kim ay inilalaan niya sa charitable institution na napili niya.

Sabi pa ni Kim; “Gusto kong sabihin sa mga tao na may be­nefits sila para sa sarili nila if they’ll buy Fat Out, pumapayat sila at the same time nakakatulong sila sa mga nangangailangan at meron pang magandang mangyayari sa kanila.”

PAK: Puspusan na sa paghahanda ngayon ng GMA Artist Center at ng ina ni Bea Binene sa debut ng young actress na isi-celebrate sa Manila Hotel sa November 3, bilang salubong sa kaarawan niya kinabukasan.

Hindi maderetso ni Bea sa amin na wala siyang planong imbitahin si Jake Vargas.

Nang hiningan siya ng listahan ng gusto niyang imbitahin, wala talaga si Jake. Pero sabi naman niya papadalhan naman daw nila ng imbitasyon.

Ang gusto lang naman ni Bea na maging bahagi sa 18 roses sina Alden Richards, Derrick Monasterio, Ken Chan at Kris­toffer Martin na close talaga sa kanya. Si Alden ang first dance niya at si Kristoffer ang last dance. Kung hindi raw makakarating si Alden, baka si Derrick ang ipapalit pero hindi talaga bahagi nito si Jake kung darating man siya.

Okay naman daw siya at nakapag-move on na siya. Hindi nga lang talaga nagkaroon ng chance na magkita sila uli at magkabati.

 “To be honest, hindi pa talaga kami nagkikita ulit. Wala lang po talagang tsansang magkita. Wala rin po kaming communication na,” deretso niyang sagot sa amin.

BOOM: Hindi nagbigay ng ano mang statement si Niño Muhlach kaugnay sa nangyari sa Tita Nena niya o si Amalia Fuentes na napabalitang inatake kamakailan lang habang nasa Korea ito.

Hindi maiwasang itanong ito kay Niño nang ini-launch bilang bagong endorser ng Frabelle Hotdog si Alonzo Muhlach na ginanap sa Anabel’s Restaurant kahapon.

Iniiwasan ni Onin na pag-usapan ito dahil hindi raw siya allowed na magsalita para sa pamilya. Ang pakiusap nito, hintayin na lang daw ang statement mula sa kanyang amang si Alex Muhlach at sa Tito Cheng niya.

Aniya; “Hindi ko rin talaga alam kung ano talaga ang status niya eh. Maraming lumalabas pero I don’t really know kung ano talaga ang nangyari.  Pero siguro in time may mabibigay na rin kami na statement.

 “Yung Daddy ko saka si Tito Cheng ang nakaalam, pero right now we’re not allowed to talk.

 “We’re not in the right place to talk about it.”

Ang latest na balitang nakarating sa amin, nasa Korea pa rin si Amalia at inaayos daw ang pagdala sa kanya sa Maynila. Walang kumpirmasyon kung totoong paralisado raw ang kalahati ng katawan nito.

Show comments