Kris at Carl patas na ang laban!

Kris

Patas na ang ex-couple na sina Kris Bernal at Carl Guevarra dahil pareho na silang nakatagpo ng bagong pag-ibig.

Dahil dito, puwede na sigurong maging magkaibigan uli ang dalawa.

Nasulat na namin na si Chanel Morales na talent ng TV5 ang bagong girlfriend ni Carl at sa mga nakikita naming pictures nilang dalawa sa kani-kanyang Instagram (IG) account, masaya sila sa kanilang relasyon. “Pangga” na nga ang tawagan nila.

May bago ring pag-ibig si Kris at siya’y walang iba kundi ang kapwa-Kapuso actor niyang si Lucho Ayala. Nagkasama sila sa PETA play na Noli at Fili Dekada Dos at dito yata sila nagka-debelopan. At least sa kaso nila, kahit tapos na ang play, sweet pa rin sila at baka mauwi sa relasyon ang lahat.

Ibig sabihin, si Lucho pala ang nabanggit ni Kris sa presscon ng Starstruck 6 na bagong inspirasyon niya.

Sa IG, parang open si Kris na malamang may bagong nagpapakilig sa kanya dahil pino-post ang tweet sa kanya ni Lucho. Sinagot nito ang isang tweet ni Lucho ng “The way he looks at me, like I’m the only girl in the world.” Awww!

Sayang at hindi isinama si Lucho sa bagong primetime soap ni Kris na Little Mommy.

Bangs may problema pa rin kahit dala-dalawa ang pelikula

After ng showing ng movie na No Boyfriend Since Birth (NBSB) sa November 11, ang movie naman ni Bangs Garcia sa Viva Films na Pulis Probinsiyano na showing sa December 9, ang kanyang ipu-promote.

Walang kontrata sa Regal si Bangs, kaya natuwa ito na kinuha siya at isinama kina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa rom-com movie.

Ginagampanan niya ang role ng best friend ni Carla na tagasulsol dito. Hindi nabanggit kung may love interest sa NBSB si Bangs, pero in real life ay happy ang love life niya.

Masaya nga nitong ibinalita na sa December ay babalik from London ang British boyfriend niyang si Lloydi Birchmore kasama ang parents nito. Magkasundo ang dalawa dahil pareho silang maghilig mag-travel.

May maliit lang na problema si Bangs, sabay ang premiere night ng NBSB at Pulis Probinsiyano at ang naisip niyang solusyon, sasaglit lang siya sa Regal movie dahil hindi naman siya ang bida. Sa premiere night ng Viva Films movie siya magtatagal dahil sila ni Jeric Raval ang mga bida.

Barbie hindi nag-inarte nang paitimin, kasama naman si Nora

Ilang araw nang nasa Iloilo si Barbie Forteza para sa shooting ng indie film na Tuos kasama si Nora Aunor.

Apo ni Nora ang role ni Barbie sa sinasabing magic –realist epic drama.

Sobrang honored at proud si Barbie na makasama sa pelikula ang Superstar kaya ‘di na niya pinakawalan pa ang proyekto. Kaya kahit sa Iloilo ang shooting at kinailangan siyang paitimin, wala siyang problema.

Kabilang sa main competition ng 2016 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival ang Tuos. 

Hindi na bago kay Barbie na pinaitim siya sa paggawa ng pelikula dahil ginawa rin niya ito sa indie film na Laut. 

Sabi pala ng mga nakapanood na ng pelikula, ang husay-husay ni Barbie at umaasa silang matatanggap ang movie sa New Wave category sa 2015 MMFF (Metro Manila Film Festival).

 

Show comments